Wednesday, December 30, 2009

New Year. NEW FRUSTRATIONS?

Marami akong Frustrations sa Buhay. Feeling ko Ang LOSER ng Buhay ko. Loser ako sa Lahat. Pagandahan ng katawan(Hindi ako Sexy PROMISE), Pagandahan ng Buhok(Hindi ako LONG HAIR, Short hair ako Like Ji Hoo Pero Mahaba na) Pagandahan ng projects,Padamihan ng Suitors(na kahit isa WALA), Pagandahan ng Sulat(maganda sulat ko ano?), Pagalingan sa School, Pataasan ng grades, padamihan ng Scores sa Quiz at tests.Pataasan ng TOP,Ako lagi akong nahuhuli o kaya naman TALO. minsan nakaka tsamba ako, Minsan Matataas Score ko sa Quizzes at Tests ko. Sabi nga ni BO(Bob Ong) "Huwag mong maliitin ang kakayahan mong Tsumamba" Oh Diba! Pinagmamalaki ko pa! Minsan Iniisip ko yung mga Classmates ko na nasa TOP 10! Salamat! Sila ang inspirasyon ko (pati mama at papa ko) para Tumaas ang grade ko. Naka dama na ako ng Disappointment. ANG SAKIT! Nung Hindi ako nakapasok sa TOP 10. TOP 14 lang ako. Hindi masaya ang MAMA ko. parang KULANG. nababanaag ko sa Mukha niya. Ang hirap malungkot ako. Feeling ko TANGA AKO! kulang ang Hirap ko. Pero Salamat kasi Naging inspirasyon ko mga Nasa TOP 10 Na Classmates ko. Dahil sa kanila tumaas ang grades ko kahit papano, nung 1st grading TOP 14 ako, At Nung 2nd GRADING TOP 11! Oh Di ba? Tumaas? naging happy Mama ko. pinagmalaki pa niya Ito sa mga Tita ko. Sabi nila, Okay lang yun. At Least TOP 11 sa 54 na Classmate mo TOP 11 ka! Yes. Kahit papaano hindi ako nakadama ng DISAPPOINTMENT at FRUSTRATIONS sa time na yun :PP

FRUSTRATIONS = Katangahan. Oo T.A.N.G.A ako. Marami akong Katangahang ginawa sa Taon na ito. tanga ako  Pag dating sa School, Sa Bahay,Sa MATH! Pero hindi ko Iniisip na Tanga ako sa Lahat Kasi may alam naman ako e. Magaling akong Mag Computer,Magaling ako Pagdating sa Computer ako Ata ang Tutor ng Nanay ko at Mga Classmates ko Kapag sa Internet at Computer ang pag uusapan, Sinasabi ko sa Sarili ko TANGA ako,Mamaya-maya Nakikita ko nalang yung sarili ko na nasa Entablado,nakatuga,May Hawak Hawak na Diploma.Sana nga Mag Ka TOTOO itong Sinasabi ko! Naku, Next Year First Year College na ako. Bachelor of Science of Nursing ang Kukunin ko. Sana Walang Katangahang Magaganap Kapag nasa College na ako.AYOKONG TUMIGIL sa PAG AARAL. Madami ang Madi disappoint! Isa na diyan ang Nanay at Tatay ko, Mga Tita ko na Nakatapos na sa Pag aaral (Nurse na yung Dalawang Tita ko) At tagumpay na, LOLO at LOLA ko na Magpapa-aral ata sa akin.Madaling Tumigil sa Pag aaral, Pero Mahirap Kapag Tumigil ka na. Kasi Marami ang Madi disappoint. Madami ang magagalit, Masasaktan ako.. Mawawalan ako. Mawawalan ako ng Hinaharap. Kung Titigil ako ng Pag aaral at Mag aasawa at Mag kakaanak ako ng maaga.Alam ko na ang Mang yayari Alam ko na ang Sasabihin nila.

"Bakit ka Tumigil? Sinira mo Hinaharap mo"
"Sayang Lang ang tuition mo! Bakit ka tumigil?"
"Tumigil ka ng Pag aaral kasi Buntis ka? Tumigil ka kasi MAAGA kang Lumandi"
"Kung hindi ka maagang LUMANDI, Hindi ka Titigil ng pag aaral!"
"Sana Tinapos mo yung Pag aaral mo,Paano na yung hinaharap mo? Saan ka hahanap ng Trabaho?"
"Hindi kita Tatanggapin sa TRABAHO kasi Hindi ka nakatapos ng College,Dapat po kasi nakatapos kayo ng College e"

Masasabi mong Hindi masakit ang mga tinype ko Pero kapag naranasan mo na iyan MASAKIT TALAGA! Ayoko magsisi sa Huli, Ayaw ko ma Disappoint Mga Magulang ko Kasi masakit talaga. Alam ko. Sinabi ng Mama ko. Kwento niya. Umiyak daw ang Lola ko nung nalaman niya Buntis siya sa kuya ko. Masakit din sa magulang Kasi Akala niya iaahon ka niya sa Hirap Pero Wala pala sa Huli. Ayaw ko nun. Pinamukha na ng aking Nanay yung hirap ng Walang pinag aralan. Nakikita ko sa Kapaligiran ko, Ang hirap ng Walang Pinag aralan. AYAW ko talagang Mag asawa ng maaga. AYAW! Sana Huwag mangyari yun saakin. SANA LORD!  Sana in This NEW YEAR: 2010 Ang Sasalubungin kong Kapalaran ko ay TAGUMPAY,SAYA,at SWERTE. Sana Sa bagong Taong ito Maging Masaya Tayo. Ayaw ko Makadama ng FRUSTRATION at DISPPOINTMENT sa Buhay.Mahirap.


NEW YEAR =  NO FRUSTRATIONS!

Friday, December 18, 2009

Masarap Ang pera,ngunit Maraming "BACTERIA" MMM!

☻Masarap..Masarap.. -- Kapag Binabanggit natin ang Salitang "MASARAP" Naiisip natin Agad ang Pagkain. Para sa mga Greenminded naman. ALAM NIYO NA YUN! 

Maraming Pwedeng Gamitin sa Word na "MASARAP" 

- MASARAP UMIBIG!
- MASARAP KUMAIN!
- MASARAP MATULOG!
- MASARAP MABUHAY!!
- MASARAP MASUGATAN!
- MASARAP UMUPO!
--At Marami Pang Iba.
Pero Ano nga Bang Meron sa Masarap? Masarap? May Masarap na Nakakasama naman sa Kalusugan,May Masarap na Nakaka Tulong Sa Katawan. 


☻MASARAP SIGURO MAGING MAYAMAN!?

Kapag binabanggit naman natin ang "MAYAMAN" na Salita, Naiisip agad natin ang PERA ($-$) Huwag munang ISIPIN ang PERA! Kasi Maraming Klase ng MAYAMAN!

-Mayaman sa BIGAS.
-Mayaman sa TULOG.
-Mayaman sa PAPEL.
-Mayaman sa KURYENTE.
-Mayaman sa PAGKAIN.
            

Eto naman yung Ibat ibang Klase ng Mayaman na Common sa WORLD!

3 Klase ng Mayaman:

- MAYAMAN (yung Mayaman Talaga May Pera kahit Saan mo dalhin)
- FEELING MAYAMAN (yung kunwari mayaman Mayabang pa)
- ONE DAY MILLIONAIRE (Isa din ito sa klase ng MAYAMAN sa Tingin ko Pero Isang Araw                            lang siya mayaman)
- MAY KUNTING PAGKA MAYAMAN (sa tingin ko, May Kaya itong mga ito, Minsan                                      Maraming Pera, Minsan Umuutang)

Kung May Idadag Dag ka pa. Mag Comment Ka nalang sa BABA! Please.

MANLILIGAW.

Sa Tingin mo, may Magkakagusto saakin?
       - Mga Expression ng mga Panget Kagaya ko

Minsan naiisip ko din iyan. Kaso MASAYA ako sa Pagiging SINGLE of THE DAY ko. HAPPY AKO TALAGA! OO, Don't Worry. Hehe.  Ang saya kaya. Nagagawa mo lahat ang gusto mo! Kahit Lahat ng LALAKING GWAPO Crush mo na! At Pwede mong Halikan Yung Picture niya Anytime. Haha. Picture.. Picture lungs, Hindi Pwede yung Sa personal.. Sa lips ba. Di Pwede. take Advantage naman oh! Naks.

BTW...( By The Way ang meaning niyan Para sa mga Noobs sa Internet World) Maraming Klase ng Manliligaw. 

MGA KLASE NG MANLILIGAW

--Pasensiya na. Kinopya ko iyan, Hindi ko alam yung mga Iba't Ibang Klase ng Manliligaw dahil Since Birth Wala pang nanligaw saakin! LMAO!


Mr. Gwapings

mayaman, gwapo, kilala at higit sa lahat may wheels. mataas ang confidence nya na di sya mababasted kaya pag nabasted maaapektuhan ng husto ang kanyang EGO. at take note, malas mo kung may sour grape attitude pa yan. pwede nyang sabihin "sus kala mo kung sinong maganda eh pinagtyatyagaan ko lang naman sya. pweh!"


Mr. Quickie

ang type ng manliligaw na kada magkikita kayo e wala nang alam sabihin kundi "kelan mo ba ko sasagutin?" o kaya "i love you na, ako ba hindi mo pa love?" kahit na isang linggo pa lang naman syang pumoporma. kung baga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis ang pagsagot mo.


Mr. Everything

linya nya ang "sagutin mo lang ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng magugustuhan mo. kahit pa ang buwan o kaya mundo." gaga ka pag nagpauto ka. dahil pag sinagot mo na yan, makakalimutan na nya ang linyang yan!


Mr. Stalker

eto yung type ng manliligaw na pag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa tanong na "kumain ka na ba?" pagkasagot mo susundan pa nya ulit ng tanong "nasan ka ngayon?" "sinong kasama mo?" "anong ginagawa mo?" at kung anu-ano pa. basta tungkol sa daily activities mo kailangan malaman nya, pero ang nakakatakot na parte dyan eh yung kahit hindi mo sagutin ang mga tanong nya na iyon ay nalalaman pa din nya, mukhang may matinding "source" ang mokong na pinagkukunan ng impormasyon tungkol sa’yo kaya nasusundan ka na nya kahit saan ka magpunta, kadalasan humahantong ang tagpong ito sa rape dahil hindi na nya talaga mapigilan ang nararamdaman nyang nag-aalab!! kaya mag-ingat ka sa mga pinagkakatiwalaan, baka kasi ilaglag ka ng mga kakilala mo di’ba? at mabigyan nila ng impormasyon tungkol sa’yo ang damuhong lalake na yon, di mo na kasi masasabi sa panahon ngayon kung sino talaga ang kakampi mo, ANG DAMING PLASTIK SA PANAHONG ITO!! Sino nga ba ang mga taong posible mong pagbintangan?? pwedeng kapit-bahay mo, kaibigan mo, mga AMIGA at kalaro ng nanay mo sa mahjong, ka-tong-itsan mo, tindero ng mais sa tapat ng bahay nyo, mailman na palaging nagbibigay ng mga sulat galing sa "stalker" mo pero lingid sa kaalaman mo s’ya na pala si mr. Stalker, tindero ng balot (pero sya na pala yon! haha!), ahente ng meralco na madalas maningil kahit nakapagbayad ka na, yung palaging sumisigaw sa tapat ng bahay nyo tuwing umaga at hapon nang "NAGAWA NG PAYONG… NAGAWA NG PAYONG.." ABA MAS MATAKOT KA KUNG ANG SINISIGAW NYA… "NAGAWA NG BATA… NAGAWA NG BATA!!", minsan mga close friends mo pa, at maging ang mga magulang mo kung boto sila sa damuhong lalake na yan at kahit i-istalk ka pa ng WALANGYA eh ayos lang sa kanila Malay nila at Pake ba nila "MA at PA" nga talaga sila, well "LITERALLY" haha! at wala silang kibo basta may pasalubong lagi para sa kanila na hopiang munggo ATBP., pwede ring mga tambay, ka-chat, ka-text, ka-bluetoothan, kamag-anak, pinsan, pamangkin, kinakapatid, inaanak, kumare, kumpare, ninong, ninang, bayaw, biyenan, bilas, tiyuhin, tiyahin, lolo, lola, lelong, lelang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, apo sa alak-alakan, ate, kuya, yaya, maid, cook, tubero pls. call 843-82-31.


Mr. Take it or Leave it

pag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas may nililigawan na sya ulit. at eto pa, hinding hindi ka nya papansinin. period.


Mr. Salesman

dadaanin ka sa matatamis na salita. parang si Mr. Everything din kaya lang mas
matindi sya mang-uto. KUNG BINEBENTAHAN KA NG BAHAY AT LUPA NYAN MALAMANG BUMILI KA NG LIMA "KAHIT BA NASA PASO PA EH" DAHIL SA GALING NYA SA "SALESTALK" puro bola nga ang gagawin ng mokong na yan sa’yo.. yun bang tipong "ang ganda ganda talaga ng mga mata mo.." KAHIT DULENG KA NAMAN!! o kaya "ang lambot ng mga kamay mo, anong lotion ang gamit mo?" kahit yung kamay mo parang paa!! TAPOS BEBENTAHAN KA LANG PALA TALAGA NG LOTION ANO?? BWISET!! Eto ang grabe.. "KUNG MASAMA ANG MAHALIN KA.. MAGPAPAKASAMA AKO!!" HAHAHAHA!!! at iba pang pang-uuto mapasagot ka lang ng OO. HAHA!!!


Mr. Good Dog

eto ang nakakatuwang manliligaw. kase payag syang magpaalipin. taga-bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. kahit magmuka syang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. nagpapakitang gilas kung baga. pero pag sinagot mo na, for sure gaganti yan!! hala ka!!


Mr. Anonymous

motto nya ang "action speaks louder than words". wala kang kaalam-alam na nanliligaw na pala. kaya pala ang bait-bait sayo. e akala mo mabait lang talaga. haha


Mr. Second Chance

sya ang pinakamasugid mong manliligaw. kahit 100 times mong sabihing ayaw mo sa kanya at wala na syang pag-asa ang sasabihin nya pa rin ay "please give me a second chance"


Mr. Romantiko

jologs ang mga paraan nya sa panliligaw. manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo, liligawan parents mo at kahit magmukha ng TINDAHAN NG BULAKLAK ANG BAHAY NYO AT MAGKA-DIABETES KA NA ay lagi pa din s’ya may dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw sa’yo. pero madalas nakakapagpakilig s’ya ng nililigawan nya dahil sa kanyang 'malinis na hangarin' aww… siguraduhin mo lang!!! smile






Friday, November 27, 2009

MYX MO 2009 = :(

MYX MO 2009 Is a Very Special Concert of MYX Philippines. Dito sa event na ito Nag peperform ang Mga Sikat na Banda, Mga sikat na Soloist. syempre di mabubuo ang Concert na ito kung walang Mga Manunuod. Di Mawawala ang mga common na tao na nakikita lang natin Kapag may mga concert diyan sa tabi tabi Mga common mga Porma nila, NAKA ITIM, naka CONVERSE.. ANG mga EMO Inshort Mga POSERO.  Syempre Highlight ng show ang Mag SLAMMAN! Whooah Astig pakinggan, pero masakit Matapakan :( Marami kang maamoy, Alam ko lahat ng Nangyari sa Concert. Ayun na rin sa mga pumunta at nakaranas na Kwenento saakin. Ang saklap. Ang STINKY daw. mabaho. hahaha. Nakakatawa. pero ayus din lang daw kasi ASTIG daw ng Concert At Nag enjoy sila. Masaya (naiingit ako) Marami daw VAMPIRA. VAMPIRA? Si edward? hehehe. VAMPIRA= Chicosci fans, ASTIG. rami fans ng Koskee ha :). Ayus ng Concert pero WALA ako :( WALA AKO :( PAANO NAMAN KAMING MGA TAGA PROBINSYA? Paano kami? Tsk Sayang masaya na sana ako nakita ko na si Miggy Pero Wala e = BOO! Looser ako! pero Ayus lang yun. Ok lang :( Sana next time Makapunta na ako :( :( Next time makakapunta ako promise :)
  --- Sana makapunta ako Next year. Tandaan mo: Every November is a MYX MO MONTH!

Monday, November 23, 2009

CONGRATULATIONS TO MR. EFREN PENAFLORIDA!

frustratedpoet:  girlslikeboys:  frankpatris:  girlslikeboys:  dontmesswithcookiemonster:  joserizal:  CNN’s Hero of the Year is a Filipino.  Efren PeƱaflorida, who started a “pushcart classroom” in the Philippines to bring education to poor children as an alternative to gang membership, has been named the 2009 CNN Hero of the Year. (via)  Mabuhay ka kabayan! Tulungan natin si Efren. Click here.  Mabuhay po kayo!     i voted for him! you?    IM VERY PROUD TO PENAFLORIDA! Syempre Vinote ko siya ilang times!


CNN’s Hero of the Year is a Filipino.

Efren PeƱaflorida, who started a “pushcart classroom” in the Philippines to bring education to poor children as an alternative to gang membership, has been named the 2009 CNN Hero of the Year.

                Mabuhay po kayo!

Wednesday, October 14, 2009

Love Story of a Ghost "LOL"

Ikwe- Kwento ko ang Love Life ng aking "KAIBIGAN" Syempre alam niya na ikwe ikwento ko ito dito sa blog ko/Multiply Account ko . Gusto niya kasi ma ishare. Kaya ito Sisimulan ko na.



June 15, 2009
          - Noong June 15 niya nakita ang lalaking Pinakamamahal niya. Yun ata ang First Pasok ng MAHAL niya. Nag aaral yung MAHAL niya sa Vocational. Yung school kasi nila ay High School-Vocational. Tapos Na Love at First Sight yung Kaibigan ko. nakikilig sya kapag dumadaan yung MAHAL niya. Lagi niya nakikita kasi 2 Kwarto lang ang agwat ng Room nila sa Room ng kaibigan ko. kaya naman ang saya saya niya lagi. Pero hindi naman lagi kasi Minsan nag aabsent yung lalaki kaya. Sabi niya saakin hindi na naman kompleto Week ko. Hindi ko sya nakita. nakita ko lungkot sa mga mata niya. Sabi saakin ng kaibigan ko Na feeling niya may feelings din yung lalaki sa kanya kasi Yung mga tingin daw at kapag nakikita daw niya e. nakikita daw niya na tumitingin din yung lalaki. Kaya kilig to max yung kaibigan ko. Tapos Kapag Shop/T.L.E nila pumunta sila sa Room nila di ba? Tapat lang ng room nila yung Room ng Lalaki kaya Supeer Tingin yung kaibigan ko (tawagin nalang natin na "GREEN") Sa room nila. nakaka distract daw si Lalaki (tawagin nating "EMO" emo kasi yung lalaki) Minsan napapansin ni GREEN na Kapag uuwi na sila, Bigla nalang uuwi na rin sila EMO parang sinadya ng tadhana daw na Pagsabayin sila umuwi. Kaya ang saya saya ni GREEN. Sabi Saakin ni GREEN na MAHAL niya na daw si EMO Ilang days na sila di nagkikita kasi ng diba Walang pasok, text niya saakin Miss niya na si "EMO" Sana makita na daw niya. Kwento pa si GREEN sa akin nung nagkasabay Sila umuwin kasama mga classmates ni "EMO" parang nagpapansin pa si EMO kay GREEN. Ipinagdadasal ni GREEN na hindi nabaha si EMO kasi daw yung bayan nila e Nabaha Lampas tao. Kasi daw kapag nabaha sila baka wala daw maisuot si EMO at baka pumangit pa siya. Nakakatawa talagang Obsessed na si GREEN kay EMO pinapanalangin ni GREEN na may Time din sana na mag usap sila at malaman niya ang Tunay na pangalan ni EMO kasi Ang alam ni GREEN na name ni EMO ay nickname niya. AT maging Close sila. 

LAYDZ SAYS:
    Hanggang dito palang yung love story nila. Hindi pa kasi sila nag kakausap at Hini pa sila mag kakilala. Ewan ko nga kung MAHAL na ni GREEN si EMO Ewan ko kung IN LOVE sya kay EMO. Basta malalaman natin iyan Sa pagdating ng Panahon!Nakakatawa naman June 15 nakikilala ni Green Si EMO JUNE 14 ang Birthday ko e! haha.

HAHAHAHA.

AYAW kong MAG ENGLISH dahil Mahal ko ang Perlas ng Silangan.

"Ayaw ko mag ENGLISH Dahil Mahal ko ang Pilipinas" 


Ang nasa isip ko kasi. Kapag  Nag English ka, Hindi mo mahal ang Pilipinas. Ang ibig kung sabihin, Kapag Nag English ka, Hindi mo Gusto Ang Salitang namulatan mo.  Karamihan ng aking Blog ay Filipino ang salita. Dahil Nasa Pilipinas ako, Wala naman ako sa Teritoryo ng Amerika. O sa anumang bansa na Ang salita ay english. Pero hindi ibig sabihin hindi ko alam mag salita ng english Alam ko pero ayaw ko gamitin dahil ako ay PILIPINO. OO alam kong mag Salita ng Dayuhan dahil na rin ito rin isang Asignatura sa aking Eskwelahan. Kaya hindi naman pwede hindi ko pag aralan, Dahil kapag hindi ko pinag aralan ito mababagsak ako sa aking asignatura.

Sabi nga ni Jose P. Rizal


"Ang Hindi Marunong Magmahal sa sariling Wika, Daig pa ang hayop at Malansang isda"



Marami na ding mga Pilipino ang Gumagamit ng Salitang English, kagaya ko. Hindi naman natin ito maiiwasan dahil Sa Aking eskwelahan ay Ginagamit ito. Sa mga Libro, pati na rin ang Computer,(Amerikano Po ata ang may gawa ng computer kaya English talaga ito) Marami na din akong kaibigan sa "Internet" na gumagamit ng English na salita Pero Pilipino sila. Ewan ko po. tanungin niyo sila kung bakit. hahaha.

BASTA "AKO"GAGAMIT AKO NG SALITANG FILIPINO

Thursday, October 1, 2009

HANGGANG TINGIN NALANG SYA. ISA SYANG ILUSYON!

ISA SYANG ILUSYON! 

Lang hiya ka. Di mo man lang ako kausapin.


ISA KANG ILUSYON!
HANGGANG TINGIN
KA NALANG!



< - HUWAG MO NANG TANUNGIN KONG SINO SYA. KAHIT SABIHIN KO HINDI MO SYA KILALA - > :D



Tuesday, September 22, 2009

Friendster LAOS na daw?

Anong masgusto niyo? FRIENDSTER OR FACEBOOK?

FRIENDSTER
 1

FACEBOOK
 28

LAOS na DAW? Agree ba kayo? Me I'm Agree. dahil Hindi ko na ito ni la Log in.Ewan ko ba. Nadala na Siguro ako sa mga nagsasabing LAOS na. Buti hindi ko sila ginaya, na Kinasel na ang kani kanilang accounts. 
Marami din kasing mga Nagsasabing madali lang ma HACK ang isang Friendster Account. maraming Tutorials dyan. Maslalo na sa youtube. Yung iba. Dahil sa Friendster, Marami na ang nangyari sa kanilang masama, Like Black mailing. Nahahack ang kaniyang Friendster at Marami pang iba.  Mayroon ding Tutorials kung paano ma view ang isang PRIVATE PHOTOS. na nangyari na sa akin. Na view ang private photos ko Ng hindi ko alam ng isang hindi ko kakilala. May ginamit syang Code at ayun. na view niya ang Mga Pictures ko. Wala namang Meron sa Album kong naka Private e. Mga Mukha ng mga Barkadas ko. mga Stolen Shots na mukha ng mga Classmates ko at ang panget kong mukha ay nandun. Akala niya Siguro may nude Photos AKO dun! ano ako? TANGA na Maglalagay dun ng mga NUDE photos. Ano naman kaya nakain ng taong yun na gamitin ang Code na yun at gamitin ang mga Private Photos ko para ma view niya! Wala namang kabastusan dun, MATATAWAG natin syang MANYAKIS!   mga Hackers! By the Way Back to Friendster, Inactive na ako sa friendster.

isa sa mga PINAKA AYAW ko sa friendster:
ANG MGA POSERS! (GO TO HELL) Mga TRYING HARDS.Nakakainis e. Nag kukunwari sila kim Chiu, Nag kukunwari silang Gerald Anderson. Nag kukunwari sila Si Charice pempengco! What the hell. Hindi mo na alam kung sino ang totoong KIM, GERALD,CHARICE dun Kasi maraming POSERS! Ano ba yun.Ano bang nakukuha nila sa pagiging POSER? (sa twitter, may verified Account. Verified Sya. Like taylor Swift. I know na sa talaga yun kasi VERIFIED ACCOUNT 100% Na Hindi POSER)

isa pa na PINAKA AYAW ko sa friendster :
Mga Nudes. Na kumakalat sa mga FAN PROFILE's Grabe. Mga SPAM. meron pa. Eto pa: Mga Nag vieview na BEAUTIFUL GIRLS. I think Posers din ang mga yun. 






 May Poll ako sana mag vote kayo.


Friday, September 11, 2009

Mag kwe Kwento ako.

Bilang Story Teller Of the Day, Mag KweKwento ako ng About Love Life.(WRONG!) Crush Life. (buhay ng may Crush) *LMAO*, About sa nangyari Whole Week,Funny Moments With my Friends, At paano ako ipahiya ng mga Classmate ko sa halap ng Crash ko :), at pinagseselos. Atbp.

Hay, Naku hassle. mababa Grade ko sa First grading. hassle. Disappointed tuloy mama at papa ko. Nag change daw ako. At Dahil daw sa Computer na KAHARAP ko ngayon kaya nga habang ginagawa ko ito e, Maiyakl Iyak ako. At naiisip yung Crush ko kasi hassle at sya. Napapababa niya grade ko :( By the way kahit na masama ang loob ko. ( huhuhu,. Lungkot ng week na ito. Hmm. But Hindi naman sa Malungkot na Totally, Syempre may happy moments naman sa school. Dahil kinilig naman ako dahil sa Crash ko. Ayun Inaasar ako ng mga classmate ko naasar ako syempre nahihiya naman akong malaman niya&nbsp;Hehehe. Ang gulo nila, sabi ni remy. (oh Wag kang tawa ng tawa matuturn Off sya) Tapos nahihiya ako. Baliw ka talaga sabi ko. Sabi naman ni janene, Uy tumitingin sayo! Uyyyyy! Ang ingay nila. Maslalo na si Kristine na Botong Boto sa Crash ko, Para sa akin. Hehe(Sinabi ko yun kasi Grabe niya ko inaasar, Parang Gustong gusto niya talaga sya) Sabi naman ni remy ng sinabi ni janene yun tumitingin yung Crash ko sa akin. Uy. bawal muna ang ligaw Ligawan! Sabi niya.Oh! Parang nanay. sabi ata ni Gesille. Kaya ayun. Natawa kami. Siguro nadinig Niya Kasi ilang Steps lang kasi ang agwat niya. kaya ayun. Nahihiya ako Tumingin. Niyaya pa ako ni Kristine na Bumili ng Ice candy sa Canteen e, Andun sila. E Umayaw ako. ayun Nilibre si Kristine at si Marife ng crash ko ng Ice Candy ! Ayun kakagulat! Sayang Sumama nalang sana ako Pumunta sa canteen Para nilibre din ako.

CHANGE TOPiC&nbsp;

Ayun. Sa school namin ngayon ay napakabusy ng mga students kasi malapit ng Intrams. At ako, Cool lang kasi im Not Athlete. Hehehe. Hindi kasi ako nakapalista sa Badminton, And marami na sila. So How sad :( Pero I'ts ok. Sana mag excel na ako this Next Grading sana bumalik na Top ko. na dissapointed kasi mama at papa ko. Syempre ako. naiiyak, parang Gusto ko tuloy IsobSob yung sarili ko sa pag aaral. At yung time na iyun, Parang gusto ko iuntog yung ulo ko kasi ang tanga ko! Ang tanga tanga ko. :( Sana nung kapag nauntog itong ulo ko mag aaral na ako mabuti. Sige mag aaral na ako. para mag excel na ako!

Saturday, September 5, 2009

Bobo ako sa Mathematics!



OO alam ko. Dont Blame me! Hindi Kasalanan yun ng magulang ko!
Pero Posible kayang Gagaling ako kung may tutor ako? Gusto ko talagang Gumaling e. Sana yung math ENGLISH nalang - kasi Buti pa yung english Eexplain mo lang. Itratranslate mo lang Gets ko na. Pero yung math kahit itranslate mo na ng Korean,Japanese, At tagalog wala talaga. As in. Nabubulol na katabi ko kaka Paliwanag sa Equation na yun la parin pumapasok sa kukute ko. Sana naman this Second Grading May pumasok na sa Kukute ko, Kahit kunte lang. Kasi kawawa grade ko sa Cards e, Sumasabit . At NUNG THIRD YEAR AKO MAY TOP AKO. NOW WALA ATA! huhuhu.. KASALANAN KO TO E. Hindi ako nag aaral ng mabuti.. HINDI KASI AKO NAG AARAL NG MABUTI! 


ADVICE NAMAN! Paano ako gagaling sa math!

Saturday, August 22, 2009

Bob Ong



Ay nakalimutan kong iblog si BOB ONG :|
                                   -Ayos mga LIBRO niya.Kahit paulit ulit mong basahin yung mga kwento niya, AYOS! Yung una kong binili na libro nya ay MACARTHUR,( P100.00 lang sya kaya yan ang unang binili ko :| )  Nagandahan ako sa storya ng mga abnormalites at bogaloids na si Cyrus(Accidentally niya napatay/Nabaril ang Lolo nya), Jim,Voltron(wawa, pinatay sya ni erwin,Pinogutan ni erwin ata),Noel, MGA GAGO. Hehehe :| Pero Ang saya ng barkada nila. Ang saya naman ng Life Story ni noel, nagkabati din lang sila ng mga pamilya niya. Haay. Napasaya ako ni BOB ONG dito. Kahit na Sumama ang mukha ko sa mga "Pakyu" /Mga mura at <s>mga Yucky Things na gawa ng tao EW !</s> Naku Naging ekpresyon ko na din ang BOGALOIDS, ABNORMALITIES ni Voltron! Kaya nga nung Pinahiram ko yung libro ko, Natawa sila, MAGANDA daw ang book kung iyon.

STAINLESS LONGGANISA

Ito yung pangalawang librong binili ko, ito yung pang limang libro nya.nag kwento sa BUHAY niya dito sa librong ito. Nag kwento din sya ng kwentong buhay niya sa UNANG libro niya yung ABNKKBNPLAKO? na sa kasamaang palad,di pa ako nakabibili (Wala pa akong pera) Kaya yun, nag iipon pa para dun, este Hihingi pa sa mama ko para makabili :)  Naku matatawa ka din sa librong ito. Sa una palang matatawa ka na. May timeline na agad dun sa buhay ni bob ong nung Elementary sya, about mga ballpens.Na nanenok, mga pinangsulat nya mga parts ng libro nya, Sana maka bili na ako ng New book, Para may mabasa na naman ako! :|

Hanggang Dito Muna :|

Saturday, August 8, 2009

ADVERTISE muna ako ng LIBRONG nabasa ko...

.

Ah OO nga pala nagbabasa ako ng LIBRONG "STUPID LOVE" ng PSICOM

Dito yung mga kwento dito, Ay True Philippine Love Story. Nakakakilig ang mga kwento. Short Lang syang Kwento. Lahat ng Kwento nakaka relate ka. Ang ganda kasi ng mga LOVE STORY Ng mga nag eemail sa PSICOM Nakakakilig, Nakakatawa , Nakakalungkot , Nakaka iyak at NakakaRelate ang bawat kwento.. 

Yung mga ibang kwento...

Ang The End niya,

                 MASAYA.at HAPPY EVER AFTER. 

Pero Yung Iba...
         Bitin.MALUNGKOT .NAKAKAGULAT. Halo Halong EMOTIONS!

.....Sa pagbabasa ko dun parang Gusto ko ng magkalove life pero WAG! Kasi HINDI PA TIME para dun para sa akin! Nakikilig ako! Niloloko nga ako ng classmate ko na huwag ako magbasa nun, maiinlove daw ako kapag magbabasa ako nun! NAGKATOTOO nga, nainlove ako sa mga kwento! HAHA! Dahil dun Gusto ko ng magbasa ng mga Love story(Dati mahilig lang ako ng GHOST STORY!, ngayun Gusto ko na!Gusto ko na ang love story!) NAINLOVE AKO DUN! HAHA! Ang nasa isip ko, MASAYA Siguro magkalove life pero dapat Nasa Right Time at Right Age! Ayt?



Monday, August 3, 2009

Nawalan ng INA ang PILIPINAS!




Marami ang nalungkot ng malaman nila na ang ATING ina na si Corazon Aquino ay Sumakabilang Buhay na. At Marami ding Naiyak Nalungkot,Dahil nawalan sila ng INA na Dahil sakanya, NAIBALIK ang DEMOKRASYA ng ating Bansa,Pati ako ay naiyak dahil Alam kung magaling syang Presidente, Hindi lang presidente pati ang pagiging ulirang ina sakaniyang mga anak.

Kahit hindi ko sya naabutan na presidente,Feeling Ko marami Syang nagawa para sa akin, Siguro kong Hindi demokrasya ang pilipinas, Siguro ang maabutan kong PILIPINAS ay isang MAGULONG bansa at Hindi malaya. Tama nga MADAMI syang NAGAWA para sa mga PILIPINO!

Ilang Beses ko tinanong kong Maganda ba buhay noon ng aking mga magulang nuong presidente si Cory Aquino Sabi nila: "OO maganda, Hindi pa mahal ang Mga bilihin nuon!" Iyun ay patunay nga na ang Dating Presidente ay magaling mamahala ng bansa, Wala silang nasabing masama kay tita cory. At iyun, Masaya ako na nalaman ko na Maayus ang buhay nila!




Humanga ako nang makita ko iyan! Parang naulit ang PEOPLE POWER!  Masmarami kaya ang TAO nuong PEOPLE POWER, O masmarami ngayon?


PATUNAY NGA TALAGA NA MARAMI ANG NAGMAMAHAL KAY PANGULONG CORAZON AQUINO!

Thursday, July 30, 2009

Lagi nalang.. Sulyap, Sulyap! wala bang action yun?

Ang LOVE nakakamatay

Tama ba? Ang LOVE nakakamatay?
Satingin ko, hahaha.

  Natatawa lang ako sa emo eh, nadidinig ko kasi, Sabi niya :

EMO: Maglalaslas ako, kasi nagbreak kami ng BF ko,Nangbababae sya! Dadagdagan ko itong sugat ko sa wrist ko mamayang gabi!
 --- Hahahaha. magpapakamatay ka dahil lang boyfriend mong BALIW! 

Eto naman eksena sa mga cities like manila:

NAWALA SA KATINUAN NA BABAE(may dalang baby):
 Tatalun ako dito, At ihuhulog ko itong bata!

PULIS:
 Bakit ka tatalon? anung problema mo? Huwag kang tatalon! mamatay iyang anak mo!

NAWALA SA KATINUAN NA BABAE(may dalang baby):
 Iniwan ako ng asawa ko! Gusto ko sya bumalik! Panindigan nya ang anak namin, papuntahin niyo dito kung hindi ihuhulog ko itong bata!
 -- haay, dapat pag isipan muna bago magpakamatay! huwag pumunta sa billboards sa maynila, marami sayong makakapansin, Kung ayaw mong walang istorbo sa taas ng bubong ka pumunta yong may taas ha! at kung magpapansin ka lang walang balak magpakamatay.pumunta ka sa Billboard ni dingdong dantes, at dun ka magpapansin!

Ang isa pang example ng NAKAKAMATAY NA "LOVE"
 -- 
GIRL: Naghiwalay kami ng BF ko, Huhuhu...

---- Hindi siya kumakain, wala sya sa sarili, tapos inutusan sya ng nanay niya bumili sa palengke, DEPPRESSED sya, wala sa sarili.iniisip ang BF niya na iniwan sya! 
BRAGGGGAAAAAGG!

Nasagasaan ang babae, at namatay! 



Ayan ang mga examples ng mga NAKAKAMATAY NA "LOVE"

KAYA MAG INGAT SA NAKAKAMATAY NA LOVE!

Sana huwag mangyari sa akin ito! Hahaha. Thanks sa bulettin sa FS ng isang girl :), nakaroon tuloy ako ng inspirasyon i know youre broken hearted! RAMI MO KAYANG KARIBAL! kaya dapat pinili mo ang minahal mo! at pigilan mo ang sarili mo mainlove sa maling tao! naks! galing ko mag PAYO! hahaha IDOL!



    


Wednesday, July 29, 2009

My Experience in 95th ANNIVERSARY of IGLESIA NI CRISTO...


HAPPY 95th ANNIVERSARY TO IGLESIA NI CRISTO!

Yeah! Im so happy na nakamit ng iglesia ni cristo ang tagumpay! Yes! sa 95th years nito sa mundo, hindi ito natinag! Kahit marami itong kaaway! at maraming tumuligsa! mas lalo pa itong tumibay at maslalo pang dumami ang mga kaanib nito!

ISA NA AKO DUN!

Sa ika 91st ng iglesia ni cristo, iyan ang kauna unahan kung anniversary sa iglesia!, hindi ako makapaniwala! na naabot ko ang ika 95th anniversary ng iglesia ni cristo!
 SA IKA 95th anniversary ng INC, Nagpunta kami sa lingayen,pangasinan. haay, ang RAMING TAO! ang daming mga kapatid na galing sa iba't ibang lugar, sa tarlac,bolinano,lingayen, at maraming marami pang distrito, at lokals ng iglesia ni cristo! 

ANG ARAW NA IYON AY.....

Ay masaya,EXCITED ako(Dahil First Time ko umatend ng anniversary ng INC) at nakapagod na araw para saakin(dahil hindi namin nahanap yung bus namin) PERO NAPAKASAYA KO dahil nakapunta ako sa katangi tanging araw ng Iglesia Ni Cristo! abay talagang ARAW ng Iglesia Ni Cristo Iyun NATRAFFIC ang LINGAYEN dahil ANG DAMI naming umatend! hahaha.. Pati daw dun sa maynila e, TRAFFIC e. Angraming naiinis PERO SORRY nalang! huh! ITS OUR DAY! WALA KAYO MAGAGAWA KAHIT SABIHIN NIYONG BWISIT KAMI! HMMMP!(ang rami kong nababsa plurk e! na bwisit daw mga IGLESIA NI CRISTO kasi natraffic daw ang daanan!) wala kayo magagawa! HAHAHA! 

ayun!

.....................


9:00AM Umalis na kami papuntang Lingayen 
11:00AM nasa Lingayen na kami.
12:00PM Start of Program.(ata)

6:00PM Umalis kami in venue para hanapin yung bus.
7:00PM Wala pa yung bus. nagiisip kami if mag cocomute kami or what? 
7:30PM Nahanap na namin yung BUS (SA WAKAS!)
8:44PM Kahit umuulan, Pinaputok na nila ang Fireworks nasa BUS na kami niyan, nanunuod kami sa bus e :)Aganda ng mga fire works! COLORFULL!Kahit papaanu, napawi nya yung antok ko!HAPPY! ako! kahit hindi ko nakita ng malapitan! err. la man lang camera!Gabi na hindi pa kami completo sa bus!
8:50PM Dumating na sa bus ang mga ibang kapatid! dalawang grupo nalang nawawala!
8:57PM  Hindi pa sial dumadating!GABI NA!
9:54PM Naisipan na namin Umuwi dahil kami nalang natitira sa lingayen! kami ata ang last trip! ay naku!
11:__ PM  Dumating na kami sa Asingan! Yehey! La na tao sa labas! katakot at ang lamig! err! :) 

12:00AM Nanunuod pa ako ng KALYE! Yey! mga idol ko! PERO nagalit mama ko! matulog na daw ako! 


ITS VERY TIRING DAY itong araw na ito! PERO masaya! at napakabanal nito! angsaya ko! hindi ako nang hihinayang na nagpunta ako dun :)  ANGSAYA KO GRABE! hehehe :)  

HAPPY 95th ANNIVERSARY TO IGLESIA NI CRISTO!

Sunday, July 26, 2009

Paano Tayo nakakasira sa MUNDO?

Paano nga ba?

Naku, ang raming nangyayari dito sa mundo, bakit ang init dito sa mundo, bakit umiinit na, nuon, Umuulan pa ng yelo, at hindi masyadong mainit, at sa polar places. Nagbabagsakan na ang mga ice berg! sh@t! bakit ganito na ang mundo? Sino ba ang may kasalanan!  Baka sinasabi niyo na feeling ako, feeling makakalikasan! hindi natin maiiwasang sumira ng ating kalikasan! Syempre, nakakasira tayo ng kalikasan, sa maraming paraan na hindi natin alam na nakakasira na pala tayo sa ating kalikasan. Maraming Paraan ,Kagaya ng Paliligo natin Araw Araw! Gumagamit tayo ng chemicals kagaya ng Shampoo, Peptizing Agent, (I think nakakasira iyon ng ating kalikasan!) At iba pang Chemicals na mayroon  sa shampoo,Conditioner,Soap!Nakakasira iyon! Hindi naman natin maiwasan ang pagligo araw araw, dahil kung hindi tayo maliligo araw araw, mag aamoy araw naman tayo, sa init ba naman ng panahon! Isa Pang way ng pag pollute ng air, ay angating pag hinga, nagtataka ba kayo?  sige ipapaliwanag ko ngayon. Dahil kapag tayo ay ng eexhale ng air galing sa ating hininga ang kalabasan nito ay carbon dioxide, na nakakapag pollute ng ating atmosphere. maiiwasan ba natin ang mag exhale ngating hininga?, hindi natin maiiwasan diba? Ngayon alam niyo na, Lahat tayo may kasalanan sa pagkasira ng mundo! 


ah sya ngapala, ang lungkot naman, kasi namimiss ko yung malamig na hangin nuon. at tsaka yung malinis na ilog dito saamin. Hehehe. hindi pala namimiss. nasasayangan ako, kasi yung time na bata pa daw sila mama ko, naliligo daw sila dun tapos ang linaw pa ng mga ilog dito sa amin, ngayon ang nasilayan kung ilog dito sa amin, puno ng mga plastics at mga maruruming bagay! Nakakadiri na lumangoy, Swerte daw tayo kasi nasilayan natin ang technology, noon daw ang mga lola natin, hindi nila nasilayan ang computer, pero sila nasilayan nila ang malinis na ilog at malinis at malamig na hangin nuon .Kaya mas swerte sila diba?

Restaurant City is DRUGS?

Laro ito sa FACEBOOK...

- Ang saya kaya maglaro ng Restautant City kasi feeling mo ang dami mong pera! at tsaka ang dami mong napagbebentahan! hahaha. enjoy! Tapos ang cute pa ng mga characters. magkakamukha sila!Sana nga TOTOO iyun at marami na ang pera ko DOLYARES! Whohoho! pero sa kasamahang palad! wakafaaaak! HINDI TOTOO yun! Tapos kapag nauunahan pa ako ng mga kaibigan ko number 5 na sya tapos ako 6 palag! mapapalaro ka talaga! kasi ayaw kung matabunan e ! hirap mag ipon ng pera! hahaha. pero ok lang iyun laro lang iyun e :) 
inintroduce ko ito sa kapatid ko!...... after how many weeks ....
WAAAHHHHHH

NAUNAHAN NIYA NA AKOW :(


Kawawa talaga ako e :) hahaha. Taas na gourmet Points niya!@ hohoho! 
Taeness naman oh! sikap at tyaga lang yun! hahah upo ka lang taas na gourmet points moh! hahaha. Kapag pumupunta ako sa Gourmet City, Ang dami kung napupulot na basura! TECHNIQUE pala iyun! tumaas naman ang GOURMET POINTS KO:)
Ang saya ko :) hohhoh!
Ewan ko ba ADIK na kami dito!
LARO NA KAYO :) hahahahaha





Saturday, July 4, 2009

Anganda manood ng mga cartoons :D



Picture: One of Enemy of Naruto
SOURCE of picture: http://tailedfox.com/page-naruto-shippuden-115

 
BAKIT KO TRIP ANG MGA CARTOONS?

Hehehehe, Kasi love ko mata nila ! see, may VIOLET, may RED hehehe, ang cute e :D Wala lang. Nood kayo :D Http://Tailedfox.com Sana magkaroon ako ng ganyang mata :) Because of contact lens, pwede ko na maaabot ang dream ko ! hahahha, JUST KIDDING :D


Friday, July 3, 2009

Gusto ko LALAKI ako.

Gusto ko LALAKI AKO.

Hahaha, totoo iyan :D kasi gusto ko malaman ang pakiramdam ng isang lalaki, maging isang habulin ng chicks at tinigtignan ng isang girl kapag nagkakasalubong kami :D Sabi ko nga sa sarili ko, Sapian ko nalang kaya ang crush ko para maramdaman ko yong pagiging lalaki! hahahaha, at tsaka para malaman ko kung may feelings sya sa akin e :P  Hindi naman sa gusto ko maging TOMBOY, yong gusto maging TOTOONG LALAKI! hahahaha, kapag iniisip ko kasi crush ko iniisip ko ang ginagawa nya? e, gusto ko masapian sya, kaya ayon, (ANO AKO MULTO!) gusto ko makita yong difference ng isang babae sa isang lalaki, paano sila magmahal ng tunay, magmahal ng serious, basta ang hirap eexplain! err. kaya ko ito ginawa dahil lang sa crush ko e. grabe ! GUSTO KONG MAGING LALAKI!


Thursday, June 25, 2009

Kwento about sa Feeling ng graduating :)

eto. sige na nga mag kwekwento na ako, total, friday naman ngayon, mayang 2:00 pm pa ang klase namin.

mag kwekwento ako ng feelings ko, about sa pagiging graduating ko :) or fourth year High school ko.

Ang feelings ko? Masaya, Malungkot. Maraming Regrets, at Excited :)

Bakit Masaya? Kasi nalampasan ko yong mga hamon sa school, yong mga nakakalitong formulas sa algebra's, mga nakaka nosebleed na english ng mga engish teacher ko, ang chapter 2- 10 na summary sa araling Panlipunan :) at ang nakaka excited na noli me tangere ni Gat. Jose P. rizal At ang bilis ng panahon e, Parang Kahapon lang nag fill up kami ng bio data, at nagsagot kami sa entrance exam :) at mamaya, kukunin na namin ang diploma sa harap ng maraming tao :) Kaya masaya!

Bakit Malungkot? Kasi mamimiss ko yong mga trippings namin ng mga classmates ko, IYAKAN to the MAX to! Mamimiss ko yong lugaw at sopas na kinakain namin tuwing recess time at yong siomai!huhuhuhu! amtalap! Mamimiss ko yong mga jokes ng teachers namin, another chapter 'to na naman ng life :) Malulungkot ako kasi minsan nalang kami mag kikita ng mga classmates ko :( hanggang ngayun na year , halos everyday kami nag sasama :) grabe. IYAK ako :((

Bakit maraming Regrets?
Kasi marami akong mga hindi ko nagawa nung last last year ko sa High school. Gaya sa pag sali ng COCC (ROTC kapag ibang School) hehehe,  at marami akong kapalpakan na ginawa, katangahan ;) at marami pang ibang regrets! huhuhu


Bakit excited?
Excited ako sa new chapter ng life ko :) College life na! ewan kung anong course ang kukunin ko?  sabi ng mama ko, Nursing , sabi ng papa ko, Informatin Technology or ICT sabi ng lola ko nursing din kaya naguguluhan akow :) hehehe, pero like ko yong nursing compatible daw ako, mahilig daw ako magbasa at magsulat kaya bagay daw ang nursing saakin :) hehehe, Bahala na si BATMAN :) hahahaha
 

so ayun. parang MARCH na dito ah, hehehe, JUNE PALANG girl ! hehehe. aun, sana matupad ang pangarap ko! maging successful sa kukunin kung couse :)

Ano kaya ang magandang kurso? Nursing? HRM? Information Communication Tech? AB Communication? ma carry ko kaya ang mga ganyang course ano ba iyan !

Gusto ko malaman ang pangalan ng crush ko :)

Sunday, May 17, 2009

Kakaibang Panaginip :)



Kakaibang Panaginip # 1

TITLE: Mamatay Na Ako!

I have many Unexplained Dreams, Hindi naman sa unexplained Dreams yong kakaibang dreams lang! isa sa mga ikwekwento kong dreams ko, yong mamatay daw ako, nakahanda na daw yong kabaong ko at yong paglilibingan ko buhay pa ako 'nun tinignan pa daw namin yong kabaong ko alam niyo kung anong color ng kabaong ko? Brown, alam niyo yong lumang style ng kabaong, tapos alam niyo kung saan ako ililibing? sa plaza dito sa lugar namin! grabe na 'to! tapos mayroon na daw akong lapida pero hindi naman eksaktong ganun ang style , naka sulat lang yong name ko na balitad lyn lang daw ang nakaukit! Creepy!
tapos pagkatapos naming tinignan yong pag lilibingan saa kin sumakay daw kami sa jeep namin e, wala naman kaming jeep e, ang driver ng jeep ay ang papa ko e, hindi naman siya driver, driver lang sya ng tricycle weee.. at nong nakasakay na kami, pupunta daw kami mag ma mall ee, kakaibang Panaginip talaga yon! dun na nagtatapos yong Creepy Dreams ko :) hahahahaha! Sabi ng kaklase ko, kapag nanaginip daw ako ng ganun about patay, hahaba daw ang buhay ko! Sana nga! :))

Kakaibang Panaginip # 2

TITLE: Ikakasal Na ako!

Ikakasal na daw ako, kilala ko yong kakasalan ko, pero malabaong mangyari 'yon kasi matanda na siya para saakin! tapos umiiyak daw ako 'nong naglalakad na kami papunta sa harap ng kapilya, nagsisisi daw ako na nagpakasal ako sakanya, umiiyak daw ako, tapos pagdating namin sa harap ng kapilya namin (im not Catholic) may nagbigay daw ng bente pesos sakin , ewan ko kung para san 'yon! tapos biglang naputol, ayon. hanggang dun lang yong dream kong ikakasal ako!

Kakaibang Panaginip # 3

TITLE: Hinahabol ako ng manananggal!

Nasa isang bahay daw kami tapos andoon daw kami sa taas niya nang biglang may manananggal na pinapaligiran kami, tapos may damit daw akong hawak, iihinahagis ko sa mananaggal para umalis sila, tapos tumakbo daw kami sa hagdanan naglagay daw ako ng mga hotdogs sa hagdanan! ah? Anong conection 'nun? (BTW: favorate ko yong hotdogs nung elementary ako! hanggang ngayon!) err, tapos putol nanaman! grabe! ayon dun na nagtatapos ang manananggal na panaginip kow!

Kakaibang Panaginip # 4

TITLE: Lumalaki ang tiyan nila!

Nong elementary kami, naglilinis kami sa isang bahay(Bahay ng kapitbahay namin!), after namin maglinis bibigyan kami ng pera! yong mga kalaro dun kami naglalaro at naglilinis para mayroon kaming pera at pang meryenda! ayon, bigla kung napanaginipan ang bahay na yon! hinihila daw ako ng bahay na iyon at hindi ako makaalis, tapos biglang anjan na daw si papa ko, binibigay niya ang kamay nya nong nahawakan ko, biglang lumaki ang tyan niya, tapos nagising ako, nakita ko sa tabi ko si mama ko, hinawakan ko sya lumaki ang tyan niya! hindi ako makahinga! nababangongot ako! tapos nawala daw si mama ko, nakita ko sa tapat ko may babaeng nakaputi! hindi na ako makahinga!  tapos sa isang aparador namin nakita ko yong katulong na bading ng kapitbahay namin, long hair sya at kulot!! kamukha niya! hindi na talaga ako makahinga! at yon , naputol ang panaginip,pagkagising ko , inakyat ko si kuya ko (double deck yong higaan namin ) umiiyak ako nun, tapos naliligo na ako sa pawis! hala nagulat ako nakita ko mama ko sa tabi ko pero wala naman siya nung nagising ako! umiiyak talaga ako nun! grabe! hindi ko talaga makakalimutan ang mga panaginip na ganito! nabangongot pala ako sa palagay ko! :)

Kakaibang Panaginip # 5

TITLE: Pumunta si Miggy Chavez sa bahay namin!

hahaha, OO dalawang beses ko ng napaginipan ito, pumunta si miggy dito sa bahay, ka jamming daw niya ang kuya ko! hahaha, iwan, tapos nung pangalawang panaginip ko,  umiinom daw siya :) hahaha, ano ba iyan! Hahaha, ang saya ko, napaginipan ko sya ng dalawang beses!

Kakaibang Panaginip # 6

TITLE: Concert ng chicosci!

Hahaha, ang saya, BIG CONCERT daw 'to ng koskee! grabe, tugtugan si miggy kumaway daw saakin! akala ko totoo ito e, pero dreams lang pala ito :) ang saya ko naka attend ako ng concert ng koskee kahit sa panaginip lang!

Kakaibang Panaginip # 7

TITLE: Sa Likod ng Bahay namin, Lumabas ang mga Zombies!

Grabe Isa din itong creepy dream! lumabas daw ang mga ZOMBIES sa likod ng bahay namin! tapos iniiwasan ko daw sila! hehehe, Ito na ata yong nag suffer ako, nung hindi ko nalaro ang plants and zombies! hahaha!



Created Date:
 May 18, 2009

Monday

Sunday, May 10, 2009

Happy Mother's day.

Happy Mothers day to all mothers!
MAY 11 The very Important day of all mother in whole world!

Mother
   - Who Give birth to us, Who give life to us, Who give Breast Feed to us.

So, Give kiss to your mother and say, I LOVE YOU :) THANK YOU :) and HAPPY MOTHER's DAY!

My message to my mother :

Mama, I love you so much, even if your Sooo "MASUNGIT" and sometimes "SNOBBER"
But i don't mind that, Because i understand what feels of mother, your always tired, because of washing of our clothes, Cleaning of our house and cooking of of our foods.THANK YOU VERY MUCH! You are my super MOM! you are my number ONE! I hope you dont always angry to us, you are going UGLY, if you are always MAD to us :)
I Love you :)

Message of your Daugther: Ladylyn :)









Wednesday, May 6, 2009

Visit and Join AKOMISMO.ORG



Kasali na ba kayo sa Movement na ito?

ako "OO"

Ang movement na ito ay it's all about YOU ,Fighting poverty,literacy,unemployment, Ang movement na ito ay ginawa para labanan ang katiwalian ng bansang pilipinas. Sana naman ay malabanan pa natin ang problema ng pilipnas para tayo ay umunlad.Sacampaign na iyon tatanungin ka kung anong gagawin mo para mapaunlad ang bansang pilipinas. Ikaw? anong gagawin mo para mapaunlad ang bansang pilipinas? Ako tutulong ako para masugpo ang global warming.Kahit maliit man ang iyong gagawin, basta ito ay nakakatalung sa bansang pilipinas! Ang Movement na ito ay ginawa para para maipakita ang pagkamakabayan.I'ts all about
action that eradicates hopelessness in every Filipino.


"Magsisimula sa'yo ang pag bibigay ng masmaraming pag asa para sa mga pilipino na hindi tumitigil na mabuhay at nagsisimulang mamuhay"


"SIMULAN MO ANG PAGKILOS TUNGO SA MULING PAGBANGON PILIPINAS. MALIIT MAN O MALAKI, IKAW MISMO ANG MAGSASABI KUNG ANO ANG GAGAWIN MO"


Created Date:
May 6, 2009
Thursday

Monday, May 4, 2009

The number 202

"202"


The Number 202 is number of our house. Funny right?

But I dont know, every time na may pupuntahan ako nakikita ko yong number na 202, nakikita ko yong number na iyon sa number of buses,Number of house of other places, hindi ko alam kung bakit, nagkataon lang ba to?
tsk, ewan ko ba!
Lagi nalang ganun, may pinapahiwatig ba yong number?

Nakakatakot naman iyon kung ganun nga, Sana nga nagkataon lang iyon.
nakakatawa nga e, Maslalo kapag iniisip ko yong number ng iyon, Sasabihin ko sa sarili ko, Siguro makakakita na naman ako ng  number na 202, mamaya maya, makakakita na ako.kapag nakakakita ako napapangiti ako ako, ano ba to? napapaisip talaga ako kung bakit,mag sesearch sana ako sa mga websites, like yahoo,google, pero hindi ko alam kung anong itatype kung tanong.

ang hirap eexplain ito, grabe. siguro marami din nakakaranas nito hindi ko lang alam, hahahaha. nakakatawa talaga tong nararanasan ko, Basta may pupuntahan ka, makikita mo yong number na 202, or baliktad 220. nagkataon lang siguro, pero minsan nakakatawa e, parang naiisip ko tuloy may powers ako, nyaak!

Anong powers? Instinct powers? mind powers?nyaak,  naghahanap nga ako sa mga websites ng ganung karanasan pero wala.
Minsan ako, nakakahula din ako, alam ko kung ano ang susunod na mangyayari, minsan nagkakamali ako,iniisip ko nagkaton lang iyon na alam ko yong mangyayari.
Har har, Basta kung nararanasan niyo tong nararanasan kung ito, matatawa talaga Kayo sa sarili niyo.
Mayroon pa ako nararamdaman na hindi ko maipaliwanag e, hindi ko  ma explained, nagtataka na ako.Kung ano iyon.Hanggang Ngayon!Gusto ko Sana malaman kung bakit :]




Created Date:
May 5, 2009
Tuesday

Tuesday, April 28, 2009

ANG EARTH MAY PAG ASA PA BA?

May pag asa pa ba?
Naku Sana nga!
Baka singilin na tayo
dito ni mother earth/ Father earth! (nyahahah)
Maisasalba pa ang mother nation kung Tayoy mag tutulungan niyan!
sabi ko nga sa Previous blog ko MAGTULUNGAN!


E paano kasi hindi tayo nagtutulungan!
tinutulungan ni juan ang earth pero si pedro, walang pakialaam nagtatapon parin ng plastiks! tsk! sana makiisa tau! para maisalba pa natin ang earth!


Ang rami kasing mga walang pakialam sa earth e. ini enjoy nila ang earth, pero ang earth hindi nag eenjoy sa pinagkakagawa natin! Tsk! May napanood ako sa Umagang Kay Ganda, Yong aircon ang galing ng invention, para syang 2 in 1 na ice cream ay, aircon! hahaha. aircon na thermos pa! hahaha, Yon inventor na yon may paki alam sa earth! ang galing ng invention!  para talaga sa earth yon na aircon e.


Sana, habang ini Enjoy natin ang earth sabayan natin ng Concern ang earth, Para tumagal pa ang enjoy natin sa mundong ito.


Ayos ba? Sana MAGTULUNGAN TAYO!


Created Date:
April 28, 2009
Wednesday

ALAGAAN ANG EARTH!

Haay, sirang sira na ang earth! kung pwede lang lumipat na tayo sa mars!
baka sumabog na ang earth! kaxetoy!

hmmp, kamusta aman iyon! sana itigil na ang pag gamit ng mga plastik cups! alam niyo ba na milyon milyon ang naitatapon na plastik cups at mga plastik bottles sa buong mundo! Tsk!
huwag basta basta magtatapon Tandaan ang :

TATLONG "R"

RECYCLE



REUSE



REDUCE


err, nakakalimutan ata natin iyonn e. ay naku naku!




MAGTULUNGAN!

Iyan lang naman ang hindi natin ginagawa e! sana lahat tayo mag tulungan! para ma save natin ang earth! Paano ka makipag participate para mailigtas ang earth?
madali lang naman e, sumali ka sa mga organization na related sa earth/Environment! mahalaga iyon!
paano kapag walang organization sa inyong bayan/barangay/city? Pwede rin huwag magtapon ng basura sa paligid, Huwag magsunog ng plastics, dito sa min may nagsusunog e, nagagalit nga ako kay mama ko kapag nag susunog sya! sabi ko kapag nagsusunog sya"kaya umiinit e!" sabi ko! hahaha, galit ako? nyahahha, pwede ring mag educate sila, Isa din yong paraan para mailigtas ang Mother Earth! :]


MAGTULUNGAN!
MAGTULUNGAN!
MAGTULUNGAN!


Created Date:
April 28,2009
Wednesday

Thursday, April 23, 2009

Ang emo at gangster.

  Sabi nila ang EMO ay Broken Hearted? hahahaha.. ako hindi ako naniniwala! OPINION ko to :)
kasi maraming EMO na sa mundong ito! hindi mo alam kong totoo silang EMOTIONAL!

marami akong nakikita na EMO sa mga malls, nakatambay, hindi mo alam ang ginagawa niya!
may mga emo naman na nakasuot ng black, tapos black skinny, tapos Vans. naglalakad sa malls. tapos may nakikita din akong mga poser na emo sa mall na nakatayo malapit sa elevator, may kadate, may kausap na magandang babae. hahaha.. para sakanya, hindi naman maganda para sakin  ah, marami din akong nakikitang emo, emo na gangster! hahaha.. may nakita akong friendster, emo mukha niya, emo primary niya, pero lay out nya si tupak!whaahha! anu un? gangemo!whahaha.posero! hahahah..  aun, hindi naman ako naiinis sa mga emong poser.. hahaha, natatawa lang ako, kawawa naman sila sa pag aayos ng sarili nila pero hindi parin nila maitatago ang paggiging poser nila. aun, (huwag kayo magagalit sa akin ah, baka magalit kayo OPINION ko to Kailangan kong ilabas ang nararamdaman ko)
aun.hindi ko maipaliwanag kung ano ang emo? ano nga ba ang emo? paano ang totoong emo? naglalaslas nga ba? ano? err. hindi mo na alam talaga! sabi nagmula ang emo sa america, nag mula ang emo sa music. emo music nga kung tawagin. ano ba talaga! sino nakaimpluensya sa ating pilipino! talamak ang emo dito sa pinas!hahaha. emo country?? hahahah hindi naman! hanggang nayon pinagtatawanan ko pa din ang mga emo at yong mga gangster. sabi nila masmaganda maging emo kasi hindi gastos, ayaw ko maging gangster kasi maraming bibilhin, nagmukha kang POSERO kapag ganun! masmaganda nalang huwag maging emo at gangter kasi wala lang. it depends naman sa tao! err. hahaha.aun, ang GANGTERS naman, pakalat kalat tuwing gabi dito saamin, haay, ang mga gangster nag hahanap ng away, para sila EWAN, at nag vavandalism pa sila. mga walang kwentang sinusulat sa pader, kawawa naman yong pader nananahimik, tapos kinabukasan magagalit na iyong may ari ng pader! mga nagsasayang ng pagod! masmaganda nalang nasa bahay ka nag cocomputer kaysa sa nakikipag away at nagvavandalism!~ arunaku! hayy, buhay! e, mga forengers(foreigner) lang naman ang nagimpluensya sa ating mga pilipino ang mga ganitong style ng pamumuhay. nalilimutan na natin ang pag kamakabayan  at pagkapilipino! haay. ewan ko ba. talamak nga talaga ang colonial mentality! tsk tsk..aun.... waffak siguro maraming magagalit sa akin nito, Ok lang atleast pinahayag ko ang totoong nararamdaman ko..




Created Date:
April 23, 2009
Thursday

Saturday, April 18, 2009

Earth Day

Sana lahat tayo maki JOIN sa EARTH DAY sa Miyerkules,April 22, 2009.para sa earth ito at para saatin na din ito :]

haay, sana nga masagip na ang earth, wala pa ako sa mundong ito, nagsimula na ang mga polusyon dito sa mundo, paano pa kaya kapg may anak na ako, ayos pa kaya ang earth, pwede pa kaya matirhan itong mundong ito sa 2020?

haay, baka lumipat na tayo sa mars nito kung hindi masagip ang ating mundo :]
sana nga hindi, sana pangalagaan natin ang earth kasi, ang mundong ito ay napaka swerte sa lahat ng pitong mundong ginawa ni lord :] ang EARTH lang kasi ang capable sa mga living things and non-living things, yong ibang planets, hindi matirhan kasi may nakakalasong chemicals like methane, nitrogen etc. at yong ibang planets naman ay masyadong malamig at mainit. pero ang earth, napakapalad!

kaya, dapat natin ito pangalagaan, ito lang kasi ang pwedeng matirhan na mundo :]
sana nga may isa pang mundo na pwedeng matirhan, kagaya ng earth, para lilipat nalang ako don :]

ayun, nong bata ako, or elementary ako, sabi ng ate ko, malaki na ang butas ng ozone layer, kasing laki daw ng europe,NOON un, at ayon kakabasa ko lang sa website na wunderground.com noong September 10, 2000 malaki na ng butas sa antartica halos masmalaki na ang butas kaysa sa antartica e, tignan nyo yong picture sa taas. (siguro resulta iyon ng pag gamit ng mga apoy, dahil malamig doon )[ may nabasa din akong magzine yong mga ice berg at mga glacier ay nawawasak at natutunaw na dahil sa init ng mundo ]pero ngayon hindi ko lang alam kung gaano na kalaki ang butas ng ozone layer ngayong 2009. haay.

aun, nararamdaman ko na ang init ng mundo, resulta un ng climate change, dahil sa green house effect, ang Green house effect ay resulta ng pagrami ng gumagamit ng mga makabagong teknolohiya, kagaya ng mga motor, pag gamit ng spray na may chloroflourocarbons( CFC's),at isa na din ang pag bubuga ng usok ng mga faktorya. ang mga usok kasi ay hindi na nakakalabas sa mundo kaya ang resulta nito ay pag init ng mundo, kaya dapat bawasan natin ang pag gamit sa mga makabagong teknolohiya.

nakakalungkot lang isipin, tayo ang napag palang tumira dito, pero tayo naman ang sumisira.

kaya marami na ding mga environmental organization ang nag lipa na para mapangalagaan ang ating mundo kagaya ng:

GREEN PEACE
Intergovernmental panel on climate change (IPCC)
United Nations Environment Programme(UNEP)
at marami pang iba :]

at mayroon din dito sa pilipinas, para bumalik ulit ang kagandahan ng ILOG PASIG :]

Text GIVE(space)ILOG and send to 2366 for globe, Tm.
                                        231 for smart, tnt

for more info's manood lang kayo sa ABS CBN.
or just visit this website :http://greenphils.com/2009/03/01/kapit-bisig-para-sa-ilog-pasig/

sana nga mapangalaan natin EARTH!


Join EARTH DAY!