Wednesday, December 30, 2009

New Year. NEW FRUSTRATIONS?

Marami akong Frustrations sa Buhay. Feeling ko Ang LOSER ng Buhay ko. Loser ako sa Lahat. Pagandahan ng katawan(Hindi ako Sexy PROMISE), Pagandahan ng Buhok(Hindi ako LONG HAIR, Short hair ako Like Ji Hoo Pero Mahaba na) Pagandahan ng projects,Padamihan ng Suitors(na kahit isa WALA), Pagandahan ng Sulat(maganda sulat ko ano?), Pagalingan sa School, Pataasan ng grades, padamihan ng Scores sa Quiz at tests.Pataasan ng TOP,Ako lagi akong nahuhuli o kaya naman TALO. minsan nakaka tsamba ako, Minsan Matataas Score ko sa Quizzes at Tests ko. Sabi nga ni BO(Bob Ong) "Huwag mong maliitin ang kakayahan mong Tsumamba" Oh Diba! Pinagmamalaki ko pa! Minsan Iniisip ko yung mga Classmates ko na nasa TOP 10! Salamat! Sila ang inspirasyon ko (pati mama at papa ko) para Tumaas ang grade ko. Naka dama na ako ng Disappointment. ANG SAKIT! Nung Hindi ako nakapasok sa TOP 10. TOP 14 lang ako. Hindi masaya ang MAMA ko. parang KULANG. nababanaag ko sa Mukha niya. Ang hirap malungkot ako. Feeling ko TANGA AKO! kulang ang Hirap ko. Pero Salamat kasi Naging inspirasyon ko mga Nasa TOP 10 Na Classmates ko. Dahil sa kanila tumaas ang grades ko kahit papano, nung 1st grading TOP 14 ako, At Nung 2nd GRADING TOP 11! Oh Di ba? Tumaas? naging happy Mama ko. pinagmalaki pa niya Ito sa mga Tita ko. Sabi nila, Okay lang yun. At Least TOP 11 sa 54 na Classmate mo TOP 11 ka! Yes. Kahit papaano hindi ako nakadama ng DISAPPOINTMENT at FRUSTRATIONS sa time na yun :PP

FRUSTRATIONS = Katangahan. Oo T.A.N.G.A ako. Marami akong Katangahang ginawa sa Taon na ito. tanga ako  Pag dating sa School, Sa Bahay,Sa MATH! Pero hindi ko Iniisip na Tanga ako sa Lahat Kasi may alam naman ako e. Magaling akong Mag Computer,Magaling ako Pagdating sa Computer ako Ata ang Tutor ng Nanay ko at Mga Classmates ko Kapag sa Internet at Computer ang pag uusapan, Sinasabi ko sa Sarili ko TANGA ako,Mamaya-maya Nakikita ko nalang yung sarili ko na nasa Entablado,nakatuga,May Hawak Hawak na Diploma.Sana nga Mag Ka TOTOO itong Sinasabi ko! Naku, Next Year First Year College na ako. Bachelor of Science of Nursing ang Kukunin ko. Sana Walang Katangahang Magaganap Kapag nasa College na ako.AYOKONG TUMIGIL sa PAG AARAL. Madami ang Madi disappoint! Isa na diyan ang Nanay at Tatay ko, Mga Tita ko na Nakatapos na sa Pag aaral (Nurse na yung Dalawang Tita ko) At tagumpay na, LOLO at LOLA ko na Magpapa-aral ata sa akin.Madaling Tumigil sa Pag aaral, Pero Mahirap Kapag Tumigil ka na. Kasi Marami ang Madi disappoint. Madami ang magagalit, Masasaktan ako.. Mawawalan ako. Mawawalan ako ng Hinaharap. Kung Titigil ako ng Pag aaral at Mag aasawa at Mag kakaanak ako ng maaga.Alam ko na ang Mang yayari Alam ko na ang Sasabihin nila.

"Bakit ka Tumigil? Sinira mo Hinaharap mo"
"Sayang Lang ang tuition mo! Bakit ka tumigil?"
"Tumigil ka ng Pag aaral kasi Buntis ka? Tumigil ka kasi MAAGA kang Lumandi"
"Kung hindi ka maagang LUMANDI, Hindi ka Titigil ng pag aaral!"
"Sana Tinapos mo yung Pag aaral mo,Paano na yung hinaharap mo? Saan ka hahanap ng Trabaho?"
"Hindi kita Tatanggapin sa TRABAHO kasi Hindi ka nakatapos ng College,Dapat po kasi nakatapos kayo ng College e"

Masasabi mong Hindi masakit ang mga tinype ko Pero kapag naranasan mo na iyan MASAKIT TALAGA! Ayoko magsisi sa Huli, Ayaw ko ma Disappoint Mga Magulang ko Kasi masakit talaga. Alam ko. Sinabi ng Mama ko. Kwento niya. Umiyak daw ang Lola ko nung nalaman niya Buntis siya sa kuya ko. Masakit din sa magulang Kasi Akala niya iaahon ka niya sa Hirap Pero Wala pala sa Huli. Ayaw ko nun. Pinamukha na ng aking Nanay yung hirap ng Walang pinag aralan. Nakikita ko sa Kapaligiran ko, Ang hirap ng Walang Pinag aralan. AYAW ko talagang Mag asawa ng maaga. AYAW! Sana Huwag mangyari yun saakin. SANA LORD!  Sana in This NEW YEAR: 2010 Ang Sasalubungin kong Kapalaran ko ay TAGUMPAY,SAYA,at SWERTE. Sana Sa bagong Taong ito Maging Masaya Tayo. Ayaw ko Makadama ng FRUSTRATION at DISPPOINTMENT sa Buhay.Mahirap.


NEW YEAR =  NO FRUSTRATIONS!

9 comments:

  1. ganyang ganyan din yung sinabi kko nung 4th yr college me :)

    ReplyDelete
  2. oo andaming luha yung umagos hehehe kasi grabe na yung frustration pero na overcome ko din sa dulo kaya yun "CHUMAMBA" ^_^

    ReplyDelete
  3. Hehehe di Ayus po iyun. Akala ko Ako lang yun Nakakadama ng ganyan. hehehe.

    ReplyDelete
  4. di ka nag iisa hehehe... mas lalo na sa WORK AND REAL WORLD mas nakaka frustrate pero sa ngaun yung nasa harap mo muna yung intindihin mo hehehe nursing yung kukunin mo diba?....masaya kaba dun?

    ReplyDelete
  5. Oo naman po Masaya ako. Kahit Marami ang nagsasabi na Wala akong Mapapala dun. At Walang trabaho Sa dami ng Nursing dito sa Pinas. Hehe. pero Dream ko talaga nuon palang Elementary yung Course na NURSING e. idol ko kasi yung dalawang tita ko! Hehe Nurse sila. hehe.

    ReplyDelete
  6. ah...ok hirap ksai pag hindi mo gusto yung course mo tatamadin ka mag aral pag ganun hehehe well anyway...goodluck ^_^

    ReplyDelete