Sunday, July 26, 2009

Paano Tayo nakakasira sa MUNDO?

Paano nga ba?

Naku, ang raming nangyayari dito sa mundo, bakit ang init dito sa mundo, bakit umiinit na, nuon, Umuulan pa ng yelo, at hindi masyadong mainit, at sa polar places. Nagbabagsakan na ang mga ice berg! sh@t! bakit ganito na ang mundo? Sino ba ang may kasalanan!  Baka sinasabi niyo na feeling ako, feeling makakalikasan! hindi natin maiiwasang sumira ng ating kalikasan! Syempre, nakakasira tayo ng kalikasan, sa maraming paraan na hindi natin alam na nakakasira na pala tayo sa ating kalikasan. Maraming Paraan ,Kagaya ng Paliligo natin Araw Araw! Gumagamit tayo ng chemicals kagaya ng Shampoo, Peptizing Agent, (I think nakakasira iyon ng ating kalikasan!) At iba pang Chemicals na mayroon  sa shampoo,Conditioner,Soap!Nakakasira iyon! Hindi naman natin maiwasan ang pagligo araw araw, dahil kung hindi tayo maliligo araw araw, mag aamoy araw naman tayo, sa init ba naman ng panahon! Isa Pang way ng pag pollute ng air, ay angating pag hinga, nagtataka ba kayo?  sige ipapaliwanag ko ngayon. Dahil kapag tayo ay ng eexhale ng air galing sa ating hininga ang kalabasan nito ay carbon dioxide, na nakakapag pollute ng ating atmosphere. maiiwasan ba natin ang mag exhale ngating hininga?, hindi natin maiiwasan diba? Ngayon alam niyo na, Lahat tayo may kasalanan sa pagkasira ng mundo! 


ah sya ngapala, ang lungkot naman, kasi namimiss ko yung malamig na hangin nuon. at tsaka yung malinis na ilog dito saamin. Hehehe. hindi pala namimiss. nasasayangan ako, kasi yung time na bata pa daw sila mama ko, naliligo daw sila dun tapos ang linaw pa ng mga ilog dito sa amin, ngayon ang nasilayan kung ilog dito sa amin, puno ng mga plastics at mga maruruming bagay! Nakakadiri na lumangoy, Swerte daw tayo kasi nasilayan natin ang technology, noon daw ang mga lola natin, hindi nila nasilayan ang computer, pero sila nasilayan nila ang malinis na ilog at malinis at malamig na hangin nuon .Kaya mas swerte sila diba?

2 comments:

  1. may tanong ako ano pa bah yong iba na nakakasira sa mundo? ano pa yong mga ginagawa nang mga tao?at bakit ginawa nang mga tao ito?
    like ko yong mga isinulat mo thanx ^____^

    ReplyDelete
  2. Marami pang paraan na nakakasira tayo ng kalikasan, yung pag gamit ng motor na gasolina ang gamit nagbubuga yun ng usok na nakakasama sa kalikasan pati na rin sa ating kalusugan, tapos pag susunog ng mga plastics na nasisira niya yung ozone layer. Salamat sa pagbabasa ng blog ko ah :)

    ReplyDelete