Thursday, July 30, 2009

Lagi nalang.. Sulyap, Sulyap! wala bang action yun?

Ang LOVE nakakamatay

Tama ba? Ang LOVE nakakamatay?
Satingin ko, hahaha.

  Natatawa lang ako sa emo eh, nadidinig ko kasi, Sabi niya :

EMO: Maglalaslas ako, kasi nagbreak kami ng BF ko,Nangbababae sya! Dadagdagan ko itong sugat ko sa wrist ko mamayang gabi!
 --- Hahahaha. magpapakamatay ka dahil lang boyfriend mong BALIW! 

Eto naman eksena sa mga cities like manila:

NAWALA SA KATINUAN NA BABAE(may dalang baby):
 Tatalun ako dito, At ihuhulog ko itong bata!

PULIS:
 Bakit ka tatalon? anung problema mo? Huwag kang tatalon! mamatay iyang anak mo!

NAWALA SA KATINUAN NA BABAE(may dalang baby):
 Iniwan ako ng asawa ko! Gusto ko sya bumalik! Panindigan nya ang anak namin, papuntahin niyo dito kung hindi ihuhulog ko itong bata!
 -- haay, dapat pag isipan muna bago magpakamatay! huwag pumunta sa billboards sa maynila, marami sayong makakapansin, Kung ayaw mong walang istorbo sa taas ng bubong ka pumunta yong may taas ha! at kung magpapansin ka lang walang balak magpakamatay.pumunta ka sa Billboard ni dingdong dantes, at dun ka magpapansin!

Ang isa pang example ng NAKAKAMATAY NA "LOVE"
 -- 
GIRL: Naghiwalay kami ng BF ko, Huhuhu...

---- Hindi siya kumakain, wala sya sa sarili, tapos inutusan sya ng nanay niya bumili sa palengke, DEPPRESSED sya, wala sa sarili.iniisip ang BF niya na iniwan sya! 
BRAGGGGAAAAAGG!

Nasagasaan ang babae, at namatay! 



Ayan ang mga examples ng mga NAKAKAMATAY NA "LOVE"

KAYA MAG INGAT SA NAKAKAMATAY NA LOVE!

Sana huwag mangyari sa akin ito! Hahaha. Thanks sa bulettin sa FS ng isang girl :), nakaroon tuloy ako ng inspirasyon i know youre broken hearted! RAMI MO KAYANG KARIBAL! kaya dapat pinili mo ang minahal mo! at pigilan mo ang sarili mo mainlove sa maling tao! naks! galing ko mag PAYO! hahaha IDOL!



    


Wednesday, July 29, 2009

My Experience in 95th ANNIVERSARY of IGLESIA NI CRISTO...


HAPPY 95th ANNIVERSARY TO IGLESIA NI CRISTO!

Yeah! Im so happy na nakamit ng iglesia ni cristo ang tagumpay! Yes! sa 95th years nito sa mundo, hindi ito natinag! Kahit marami itong kaaway! at maraming tumuligsa! mas lalo pa itong tumibay at maslalo pang dumami ang mga kaanib nito!

ISA NA AKO DUN!

Sa ika 91st ng iglesia ni cristo, iyan ang kauna unahan kung anniversary sa iglesia!, hindi ako makapaniwala! na naabot ko ang ika 95th anniversary ng iglesia ni cristo!
 SA IKA 95th anniversary ng INC, Nagpunta kami sa lingayen,pangasinan. haay, ang RAMING TAO! ang daming mga kapatid na galing sa iba't ibang lugar, sa tarlac,bolinano,lingayen, at maraming marami pang distrito, at lokals ng iglesia ni cristo! 

ANG ARAW NA IYON AY.....

Ay masaya,EXCITED ako(Dahil First Time ko umatend ng anniversary ng INC) at nakapagod na araw para saakin(dahil hindi namin nahanap yung bus namin) PERO NAPAKASAYA KO dahil nakapunta ako sa katangi tanging araw ng Iglesia Ni Cristo! abay talagang ARAW ng Iglesia Ni Cristo Iyun NATRAFFIC ang LINGAYEN dahil ANG DAMI naming umatend! hahaha.. Pati daw dun sa maynila e, TRAFFIC e. Angraming naiinis PERO SORRY nalang! huh! ITS OUR DAY! WALA KAYO MAGAGAWA KAHIT SABIHIN NIYONG BWISIT KAMI! HMMMP!(ang rami kong nababsa plurk e! na bwisit daw mga IGLESIA NI CRISTO kasi natraffic daw ang daanan!) wala kayo magagawa! HAHAHA! 

ayun!

.....................


9:00AM Umalis na kami papuntang Lingayen 
11:00AM nasa Lingayen na kami.
12:00PM Start of Program.(ata)

6:00PM Umalis kami in venue para hanapin yung bus.
7:00PM Wala pa yung bus. nagiisip kami if mag cocomute kami or what? 
7:30PM Nahanap na namin yung BUS (SA WAKAS!)
8:44PM Kahit umuulan, Pinaputok na nila ang Fireworks nasa BUS na kami niyan, nanunuod kami sa bus e :)Aganda ng mga fire works! COLORFULL!Kahit papaanu, napawi nya yung antok ko!HAPPY! ako! kahit hindi ko nakita ng malapitan! err. la man lang camera!Gabi na hindi pa kami completo sa bus!
8:50PM Dumating na sa bus ang mga ibang kapatid! dalawang grupo nalang nawawala!
8:57PM  Hindi pa sial dumadating!GABI NA!
9:54PM Naisipan na namin Umuwi dahil kami nalang natitira sa lingayen! kami ata ang last trip! ay naku!
11:__ PM  Dumating na kami sa Asingan! Yehey! La na tao sa labas! katakot at ang lamig! err! :) 

12:00AM Nanunuod pa ako ng KALYE! Yey! mga idol ko! PERO nagalit mama ko! matulog na daw ako! 


ITS VERY TIRING DAY itong araw na ito! PERO masaya! at napakabanal nito! angsaya ko! hindi ako nang hihinayang na nagpunta ako dun :)  ANGSAYA KO GRABE! hehehe :)  

HAPPY 95th ANNIVERSARY TO IGLESIA NI CRISTO!

Sunday, July 26, 2009

Paano Tayo nakakasira sa MUNDO?

Paano nga ba?

Naku, ang raming nangyayari dito sa mundo, bakit ang init dito sa mundo, bakit umiinit na, nuon, Umuulan pa ng yelo, at hindi masyadong mainit, at sa polar places. Nagbabagsakan na ang mga ice berg! sh@t! bakit ganito na ang mundo? Sino ba ang may kasalanan!  Baka sinasabi niyo na feeling ako, feeling makakalikasan! hindi natin maiiwasang sumira ng ating kalikasan! Syempre, nakakasira tayo ng kalikasan, sa maraming paraan na hindi natin alam na nakakasira na pala tayo sa ating kalikasan. Maraming Paraan ,Kagaya ng Paliligo natin Araw Araw! Gumagamit tayo ng chemicals kagaya ng Shampoo, Peptizing Agent, (I think nakakasira iyon ng ating kalikasan!) At iba pang Chemicals na mayroon  sa shampoo,Conditioner,Soap!Nakakasira iyon! Hindi naman natin maiwasan ang pagligo araw araw, dahil kung hindi tayo maliligo araw araw, mag aamoy araw naman tayo, sa init ba naman ng panahon! Isa Pang way ng pag pollute ng air, ay angating pag hinga, nagtataka ba kayo?  sige ipapaliwanag ko ngayon. Dahil kapag tayo ay ng eexhale ng air galing sa ating hininga ang kalabasan nito ay carbon dioxide, na nakakapag pollute ng ating atmosphere. maiiwasan ba natin ang mag exhale ngating hininga?, hindi natin maiiwasan diba? Ngayon alam niyo na, Lahat tayo may kasalanan sa pagkasira ng mundo! 


ah sya ngapala, ang lungkot naman, kasi namimiss ko yung malamig na hangin nuon. at tsaka yung malinis na ilog dito saamin. Hehehe. hindi pala namimiss. nasasayangan ako, kasi yung time na bata pa daw sila mama ko, naliligo daw sila dun tapos ang linaw pa ng mga ilog dito sa amin, ngayon ang nasilayan kung ilog dito sa amin, puno ng mga plastics at mga maruruming bagay! Nakakadiri na lumangoy, Swerte daw tayo kasi nasilayan natin ang technology, noon daw ang mga lola natin, hindi nila nasilayan ang computer, pero sila nasilayan nila ang malinis na ilog at malinis at malamig na hangin nuon .Kaya mas swerte sila diba?

Restaurant City is DRUGS?

Laro ito sa FACEBOOK...

- Ang saya kaya maglaro ng Restautant City kasi feeling mo ang dami mong pera! at tsaka ang dami mong napagbebentahan! hahaha. enjoy! Tapos ang cute pa ng mga characters. magkakamukha sila!Sana nga TOTOO iyun at marami na ang pera ko DOLYARES! Whohoho! pero sa kasamahang palad! wakafaaaak! HINDI TOTOO yun! Tapos kapag nauunahan pa ako ng mga kaibigan ko number 5 na sya tapos ako 6 palag! mapapalaro ka talaga! kasi ayaw kung matabunan e ! hirap mag ipon ng pera! hahaha. pero ok lang iyun laro lang iyun e :) 
inintroduce ko ito sa kapatid ko!...... after how many weeks ....
WAAAHHHHHH

NAUNAHAN NIYA NA AKOW :(


Kawawa talaga ako e :) hahaha. Taas na gourmet Points niya!@ hohoho! 
Taeness naman oh! sikap at tyaga lang yun! hahah upo ka lang taas na gourmet points moh! hahaha. Kapag pumupunta ako sa Gourmet City, Ang dami kung napupulot na basura! TECHNIQUE pala iyun! tumaas naman ang GOURMET POINTS KO:)
Ang saya ko :) hohhoh!
Ewan ko ba ADIK na kami dito!
LARO NA KAYO :) hahahahaha





Saturday, July 4, 2009

Anganda manood ng mga cartoons :D



Picture: One of Enemy of Naruto
SOURCE of picture: http://tailedfox.com/page-naruto-shippuden-115

 
BAKIT KO TRIP ANG MGA CARTOONS?

Hehehehe, Kasi love ko mata nila ! see, may VIOLET, may RED hehehe, ang cute e :D Wala lang. Nood kayo :D Http://Tailedfox.com Sana magkaroon ako ng ganyang mata :) Because of contact lens, pwede ko na maaabot ang dream ko ! hahahha, JUST KIDDING :D


Friday, July 3, 2009

Gusto ko LALAKI ako.

Gusto ko LALAKI AKO.

Hahaha, totoo iyan :D kasi gusto ko malaman ang pakiramdam ng isang lalaki, maging isang habulin ng chicks at tinigtignan ng isang girl kapag nagkakasalubong kami :D Sabi ko nga sa sarili ko, Sapian ko nalang kaya ang crush ko para maramdaman ko yong pagiging lalaki! hahahaha, at tsaka para malaman ko kung may feelings sya sa akin e :P  Hindi naman sa gusto ko maging TOMBOY, yong gusto maging TOTOONG LALAKI! hahahaha, kapag iniisip ko kasi crush ko iniisip ko ang ginagawa nya? e, gusto ko masapian sya, kaya ayon, (ANO AKO MULTO!) gusto ko makita yong difference ng isang babae sa isang lalaki, paano sila magmahal ng tunay, magmahal ng serious, basta ang hirap eexplain! err. kaya ko ito ginawa dahil lang sa crush ko e. grabe ! GUSTO KONG MAGING LALAKI!