Wednesday, October 14, 2009

AYAW kong MAG ENGLISH dahil Mahal ko ang Perlas ng Silangan.

"Ayaw ko mag ENGLISH Dahil Mahal ko ang Pilipinas" 


Ang nasa isip ko kasi. Kapag  Nag English ka, Hindi mo mahal ang Pilipinas. Ang ibig kung sabihin, Kapag Nag English ka, Hindi mo Gusto Ang Salitang namulatan mo.  Karamihan ng aking Blog ay Filipino ang salita. Dahil Nasa Pilipinas ako, Wala naman ako sa Teritoryo ng Amerika. O sa anumang bansa na Ang salita ay english. Pero hindi ibig sabihin hindi ko alam mag salita ng english Alam ko pero ayaw ko gamitin dahil ako ay PILIPINO. OO alam kong mag Salita ng Dayuhan dahil na rin ito rin isang Asignatura sa aking Eskwelahan. Kaya hindi naman pwede hindi ko pag aralan, Dahil kapag hindi ko pinag aralan ito mababagsak ako sa aking asignatura.

Sabi nga ni Jose P. Rizal


"Ang Hindi Marunong Magmahal sa sariling Wika, Daig pa ang hayop at Malansang isda"



Marami na ding mga Pilipino ang Gumagamit ng Salitang English, kagaya ko. Hindi naman natin ito maiiwasan dahil Sa Aking eskwelahan ay Ginagamit ito. Sa mga Libro, pati na rin ang Computer,(Amerikano Po ata ang may gawa ng computer kaya English talaga ito) Marami na din akong kaibigan sa "Internet" na gumagamit ng English na salita Pero Pilipino sila. Ewan ko po. tanungin niyo sila kung bakit. hahaha.

BASTA "AKO"GAGAMIT AKO NG SALITANG FILIPINO

2 comments: