Wednesday, December 30, 2009

New Year. NEW FRUSTRATIONS?

Marami akong Frustrations sa Buhay. Feeling ko Ang LOSER ng Buhay ko. Loser ako sa Lahat. Pagandahan ng katawan(Hindi ako Sexy PROMISE), Pagandahan ng Buhok(Hindi ako LONG HAIR, Short hair ako Like Ji Hoo Pero Mahaba na) Pagandahan ng projects,Padamihan ng Suitors(na kahit isa WALA), Pagandahan ng Sulat(maganda sulat ko ano?), Pagalingan sa School, Pataasan ng grades, padamihan ng Scores sa Quiz at tests.Pataasan ng TOP,Ako lagi akong nahuhuli o kaya naman TALO. minsan nakaka tsamba ako, Minsan Matataas Score ko sa Quizzes at Tests ko. Sabi nga ni BO(Bob Ong) "Huwag mong maliitin ang kakayahan mong Tsumamba" Oh Diba! Pinagmamalaki ko pa! Minsan Iniisip ko yung mga Classmates ko na nasa TOP 10! Salamat! Sila ang inspirasyon ko (pati mama at papa ko) para Tumaas ang grade ko. Naka dama na ako ng Disappointment. ANG SAKIT! Nung Hindi ako nakapasok sa TOP 10. TOP 14 lang ako. Hindi masaya ang MAMA ko. parang KULANG. nababanaag ko sa Mukha niya. Ang hirap malungkot ako. Feeling ko TANGA AKO! kulang ang Hirap ko. Pero Salamat kasi Naging inspirasyon ko mga Nasa TOP 10 Na Classmates ko. Dahil sa kanila tumaas ang grades ko kahit papano, nung 1st grading TOP 14 ako, At Nung 2nd GRADING TOP 11! Oh Di ba? Tumaas? naging happy Mama ko. pinagmalaki pa niya Ito sa mga Tita ko. Sabi nila, Okay lang yun. At Least TOP 11 sa 54 na Classmate mo TOP 11 ka! Yes. Kahit papaano hindi ako nakadama ng DISAPPOINTMENT at FRUSTRATIONS sa time na yun :PP

FRUSTRATIONS = Katangahan. Oo T.A.N.G.A ako. Marami akong Katangahang ginawa sa Taon na ito. tanga ako  Pag dating sa School, Sa Bahay,Sa MATH! Pero hindi ko Iniisip na Tanga ako sa Lahat Kasi may alam naman ako e. Magaling akong Mag Computer,Magaling ako Pagdating sa Computer ako Ata ang Tutor ng Nanay ko at Mga Classmates ko Kapag sa Internet at Computer ang pag uusapan, Sinasabi ko sa Sarili ko TANGA ako,Mamaya-maya Nakikita ko nalang yung sarili ko na nasa Entablado,nakatuga,May Hawak Hawak na Diploma.Sana nga Mag Ka TOTOO itong Sinasabi ko! Naku, Next Year First Year College na ako. Bachelor of Science of Nursing ang Kukunin ko. Sana Walang Katangahang Magaganap Kapag nasa College na ako.AYOKONG TUMIGIL sa PAG AARAL. Madami ang Madi disappoint! Isa na diyan ang Nanay at Tatay ko, Mga Tita ko na Nakatapos na sa Pag aaral (Nurse na yung Dalawang Tita ko) At tagumpay na, LOLO at LOLA ko na Magpapa-aral ata sa akin.Madaling Tumigil sa Pag aaral, Pero Mahirap Kapag Tumigil ka na. Kasi Marami ang Madi disappoint. Madami ang magagalit, Masasaktan ako.. Mawawalan ako. Mawawalan ako ng Hinaharap. Kung Titigil ako ng Pag aaral at Mag aasawa at Mag kakaanak ako ng maaga.Alam ko na ang Mang yayari Alam ko na ang Sasabihin nila.

"Bakit ka Tumigil? Sinira mo Hinaharap mo"
"Sayang Lang ang tuition mo! Bakit ka tumigil?"
"Tumigil ka ng Pag aaral kasi Buntis ka? Tumigil ka kasi MAAGA kang Lumandi"
"Kung hindi ka maagang LUMANDI, Hindi ka Titigil ng pag aaral!"
"Sana Tinapos mo yung Pag aaral mo,Paano na yung hinaharap mo? Saan ka hahanap ng Trabaho?"
"Hindi kita Tatanggapin sa TRABAHO kasi Hindi ka nakatapos ng College,Dapat po kasi nakatapos kayo ng College e"

Masasabi mong Hindi masakit ang mga tinype ko Pero kapag naranasan mo na iyan MASAKIT TALAGA! Ayoko magsisi sa Huli, Ayaw ko ma Disappoint Mga Magulang ko Kasi masakit talaga. Alam ko. Sinabi ng Mama ko. Kwento niya. Umiyak daw ang Lola ko nung nalaman niya Buntis siya sa kuya ko. Masakit din sa magulang Kasi Akala niya iaahon ka niya sa Hirap Pero Wala pala sa Huli. Ayaw ko nun. Pinamukha na ng aking Nanay yung hirap ng Walang pinag aralan. Nakikita ko sa Kapaligiran ko, Ang hirap ng Walang Pinag aralan. AYAW ko talagang Mag asawa ng maaga. AYAW! Sana Huwag mangyari yun saakin. SANA LORD!  Sana in This NEW YEAR: 2010 Ang Sasalubungin kong Kapalaran ko ay TAGUMPAY,SAYA,at SWERTE. Sana Sa bagong Taong ito Maging Masaya Tayo. Ayaw ko Makadama ng FRUSTRATION at DISPPOINTMENT sa Buhay.Mahirap.


NEW YEAR =  NO FRUSTRATIONS!

Friday, December 18, 2009

Masarap Ang pera,ngunit Maraming "BACTERIA" MMM!

☻Masarap..Masarap.. -- Kapag Binabanggit natin ang Salitang "MASARAP" Naiisip natin Agad ang Pagkain. Para sa mga Greenminded naman. ALAM NIYO NA YUN! 

Maraming Pwedeng Gamitin sa Word na "MASARAP" 

- MASARAP UMIBIG!
- MASARAP KUMAIN!
- MASARAP MATULOG!
- MASARAP MABUHAY!!
- MASARAP MASUGATAN!
- MASARAP UMUPO!
--At Marami Pang Iba.
Pero Ano nga Bang Meron sa Masarap? Masarap? May Masarap na Nakakasama naman sa Kalusugan,May Masarap na Nakaka Tulong Sa Katawan. 


☻MASARAP SIGURO MAGING MAYAMAN!?

Kapag binabanggit naman natin ang "MAYAMAN" na Salita, Naiisip agad natin ang PERA ($-$) Huwag munang ISIPIN ang PERA! Kasi Maraming Klase ng MAYAMAN!

-Mayaman sa BIGAS.
-Mayaman sa TULOG.
-Mayaman sa PAPEL.
-Mayaman sa KURYENTE.
-Mayaman sa PAGKAIN.
            

Eto naman yung Ibat ibang Klase ng Mayaman na Common sa WORLD!

3 Klase ng Mayaman:

- MAYAMAN (yung Mayaman Talaga May Pera kahit Saan mo dalhin)
- FEELING MAYAMAN (yung kunwari mayaman Mayabang pa)
- ONE DAY MILLIONAIRE (Isa din ito sa klase ng MAYAMAN sa Tingin ko Pero Isang Araw                            lang siya mayaman)
- MAY KUNTING PAGKA MAYAMAN (sa tingin ko, May Kaya itong mga ito, Minsan                                      Maraming Pera, Minsan Umuutang)

Kung May Idadag Dag ka pa. Mag Comment Ka nalang sa BABA! Please.

MANLILIGAW.

Sa Tingin mo, may Magkakagusto saakin?
       - Mga Expression ng mga Panget Kagaya ko

Minsan naiisip ko din iyan. Kaso MASAYA ako sa Pagiging SINGLE of THE DAY ko. HAPPY AKO TALAGA! OO, Don't Worry. Hehe.  Ang saya kaya. Nagagawa mo lahat ang gusto mo! Kahit Lahat ng LALAKING GWAPO Crush mo na! At Pwede mong Halikan Yung Picture niya Anytime. Haha. Picture.. Picture lungs, Hindi Pwede yung Sa personal.. Sa lips ba. Di Pwede. take Advantage naman oh! Naks.

BTW...( By The Way ang meaning niyan Para sa mga Noobs sa Internet World) Maraming Klase ng Manliligaw. 

MGA KLASE NG MANLILIGAW

--Pasensiya na. Kinopya ko iyan, Hindi ko alam yung mga Iba't Ibang Klase ng Manliligaw dahil Since Birth Wala pang nanligaw saakin! LMAO!


Mr. Gwapings

mayaman, gwapo, kilala at higit sa lahat may wheels. mataas ang confidence nya na di sya mababasted kaya pag nabasted maaapektuhan ng husto ang kanyang EGO. at take note, malas mo kung may sour grape attitude pa yan. pwede nyang sabihin "sus kala mo kung sinong maganda eh pinagtyatyagaan ko lang naman sya. pweh!"


Mr. Quickie

ang type ng manliligaw na kada magkikita kayo e wala nang alam sabihin kundi "kelan mo ba ko sasagutin?" o kaya "i love you na, ako ba hindi mo pa love?" kahit na isang linggo pa lang naman syang pumoporma. kung baga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis ang pagsagot mo.


Mr. Everything

linya nya ang "sagutin mo lang ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng magugustuhan mo. kahit pa ang buwan o kaya mundo." gaga ka pag nagpauto ka. dahil pag sinagot mo na yan, makakalimutan na nya ang linyang yan!


Mr. Stalker

eto yung type ng manliligaw na pag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa tanong na "kumain ka na ba?" pagkasagot mo susundan pa nya ulit ng tanong "nasan ka ngayon?" "sinong kasama mo?" "anong ginagawa mo?" at kung anu-ano pa. basta tungkol sa daily activities mo kailangan malaman nya, pero ang nakakatakot na parte dyan eh yung kahit hindi mo sagutin ang mga tanong nya na iyon ay nalalaman pa din nya, mukhang may matinding "source" ang mokong na pinagkukunan ng impormasyon tungkol sa’yo kaya nasusundan ka na nya kahit saan ka magpunta, kadalasan humahantong ang tagpong ito sa rape dahil hindi na nya talaga mapigilan ang nararamdaman nyang nag-aalab!! kaya mag-ingat ka sa mga pinagkakatiwalaan, baka kasi ilaglag ka ng mga kakilala mo di’ba? at mabigyan nila ng impormasyon tungkol sa’yo ang damuhong lalake na yon, di mo na kasi masasabi sa panahon ngayon kung sino talaga ang kakampi mo, ANG DAMING PLASTIK SA PANAHONG ITO!! Sino nga ba ang mga taong posible mong pagbintangan?? pwedeng kapit-bahay mo, kaibigan mo, mga AMIGA at kalaro ng nanay mo sa mahjong, ka-tong-itsan mo, tindero ng mais sa tapat ng bahay nyo, mailman na palaging nagbibigay ng mga sulat galing sa "stalker" mo pero lingid sa kaalaman mo s’ya na pala si mr. Stalker, tindero ng balot (pero sya na pala yon! haha!), ahente ng meralco na madalas maningil kahit nakapagbayad ka na, yung palaging sumisigaw sa tapat ng bahay nyo tuwing umaga at hapon nang "NAGAWA NG PAYONG… NAGAWA NG PAYONG.." ABA MAS MATAKOT KA KUNG ANG SINISIGAW NYA… "NAGAWA NG BATA… NAGAWA NG BATA!!", minsan mga close friends mo pa, at maging ang mga magulang mo kung boto sila sa damuhong lalake na yan at kahit i-istalk ka pa ng WALANGYA eh ayos lang sa kanila Malay nila at Pake ba nila "MA at PA" nga talaga sila, well "LITERALLY" haha! at wala silang kibo basta may pasalubong lagi para sa kanila na hopiang munggo ATBP., pwede ring mga tambay, ka-chat, ka-text, ka-bluetoothan, kamag-anak, pinsan, pamangkin, kinakapatid, inaanak, kumare, kumpare, ninong, ninang, bayaw, biyenan, bilas, tiyuhin, tiyahin, lolo, lola, lelong, lelang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, apo sa alak-alakan, ate, kuya, yaya, maid, cook, tubero pls. call 843-82-31.


Mr. Take it or Leave it

pag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas may nililigawan na sya ulit. at eto pa, hinding hindi ka nya papansinin. period.


Mr. Salesman

dadaanin ka sa matatamis na salita. parang si Mr. Everything din kaya lang mas
matindi sya mang-uto. KUNG BINEBENTAHAN KA NG BAHAY AT LUPA NYAN MALAMANG BUMILI KA NG LIMA "KAHIT BA NASA PASO PA EH" DAHIL SA GALING NYA SA "SALESTALK" puro bola nga ang gagawin ng mokong na yan sa’yo.. yun bang tipong "ang ganda ganda talaga ng mga mata mo.." KAHIT DULENG KA NAMAN!! o kaya "ang lambot ng mga kamay mo, anong lotion ang gamit mo?" kahit yung kamay mo parang paa!! TAPOS BEBENTAHAN KA LANG PALA TALAGA NG LOTION ANO?? BWISET!! Eto ang grabe.. "KUNG MASAMA ANG MAHALIN KA.. MAGPAPAKASAMA AKO!!" HAHAHAHA!!! at iba pang pang-uuto mapasagot ka lang ng OO. HAHA!!!


Mr. Good Dog

eto ang nakakatuwang manliligaw. kase payag syang magpaalipin. taga-bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. kahit magmuka syang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. nagpapakitang gilas kung baga. pero pag sinagot mo na, for sure gaganti yan!! hala ka!!


Mr. Anonymous

motto nya ang "action speaks louder than words". wala kang kaalam-alam na nanliligaw na pala. kaya pala ang bait-bait sayo. e akala mo mabait lang talaga. haha


Mr. Second Chance

sya ang pinakamasugid mong manliligaw. kahit 100 times mong sabihing ayaw mo sa kanya at wala na syang pag-asa ang sasabihin nya pa rin ay "please give me a second chance"


Mr. Romantiko

jologs ang mga paraan nya sa panliligaw. manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo, liligawan parents mo at kahit magmukha ng TINDAHAN NG BULAKLAK ANG BAHAY NYO AT MAGKA-DIABETES KA NA ay lagi pa din s’ya may dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw sa’yo. pero madalas nakakapagpakilig s’ya ng nililigawan nya dahil sa kanyang 'malinis na hangarin' aww… siguraduhin mo lang!!! smile