Sunday, February 21, 2010

Dynamic Teen Company..

Noong Una. Hindi ko kilala ang Grupong ito. Wala akong Kaalam alam kung Ano ito.  Ang tanging kakilala ko lang ay ang kanilang FOUNDER na si Efren Penaflorida Jr. Una ko siyang nakita sa Patalastas na AKO MISMO. Isa ding Organization, na nag lalayong Baguhin ang Pilipinas. Nakita ko na siya dun. hindi ko siya Gaano napansin. Kasi hindi ko pa siya kilala. Hanggang sa Dumating yung Araw na Napanuod ko sa TV PATROL, Na si Mr. Efren Penaflorida Jr. ay Finalist sa CNN HERO of THE YEAR. Nakita ko si Mr. Efren Penaflorida at si  Ms. Karen Davila , Tinuturo nila kung Paano mag Boto sa CNN hero of the year,  sinabi nila na ang pag boto ay UNLIMITED. kaya nahikayat akong Bumoto. Iksakto, Online ako nung gabing Yaon, kaya naisip kong Mag Boto, Aba, Unlimited nga! Boto ako ng Boto! Nagpost pa ako sa Facebook na dapat ivote si Kuya Ef! Hanggang Natapos ang Isang buwan, Nalaman ko nalang sa Internet at sa TV na nanalo si Kuya Ef! Ang saya saya ko. kasi hindi nasayang Yung ilang Boto ko. Proud na Proud ako kasi nanalo ang ating Kababayan, Kahit na hindi ko siya kakilala sa Personal, Hangang Hanga ako sa Pagtulong nila sa mga Kabataang Hindi marunong magbasa at mag sulat,Pagtulong na Mabago ang Buhay ng batang Adik, o Scavenger.  Dun ko lang nakita ang Kanilang KARITON KLASSRUM, Hangang Hanga ako. Napapabayaan na nila ang Sarili nila Para lang makatulong. Kaya doon na ako nag Start Mangarap na MAKASALI sa GRUPO nila. Sa maraming Guesting sa TV ang Pinuntahan ni Kuya Ef, Nalaman ko na MASAYA palang Maging Part ng DYNAMIC TEEN COMPANY. Marami kang natutulungan, Masaya, Feeling ko Ang Gaan Gaan ng Pakiramdam mo. Kaya Gusto ko SUMALI. Kaso malayo ako. Sa Cavite sila,ako Sa PANGASINAN. Kaya Nalulungkot na MASAYA ako Kapag Nakikita ko ang mga Litrato ng DTC na nagtuturo, Pinapakain ang Mga bata(Naiingit ako) kasi Bata palang sila HEROES na sila. Hindi naman ako naghahangad maging Hero, Hindi ako naghahangad maging SIKAT, Naghahangad ako na MAKATULONG sa Mga Batang Hindi marunong magbasa, Hindi marunong magsulat. Kaya Sobrang Lungkot ko. bakit ba dito ako nakatira sa PANGASINAN. at hindi sa CAVITE! pero Naiisip ko, Balang araw din, makaka tulong din ako sa kanila. Sa Sobrang hanga ko sa DYNAMIC TEEN COMPANY at kay Mr. Efren Penaflorida, Lahat ng TV Guesting nila, PROBE PROFILES,JESSICA SOHO,BOTTOM LINE (at Iba pa) ay Inaabangan ko, Lahat ng Account nila ay Ina Add ko. Kasi HANGA ako sa Kanila, kay Mr. Efren Penaflorida,Club 8586, DTC at kay Kuya Bonn... SALUDO ako sa INYO! 

--Mayroon ding Araw MAKAKASALI ako sa
DYNAMIC TEEN COMPANY!