Saturday, March 13, 2010

Elementary Days..

DAY CARE: (O Tinatawag ng Iba PRE SCHOOL)

Teacher: Annalyn Prieto

Diyan Ako Natutong Magsulat ng Pangit, Mag Drawing ng Bahay,Hayop, o prutas at Iba pang Bagay, Itinuro din saamin sa Day Care Center kung Paano Gumawa ng Art Work, Gaya ng Kandilang Pinatulo sa Coupon Bond at Nilalagyan namin ng Buhangin, Naranasan ko na ding Malagyan o Matatakan ang Kamay ko ng Kulay Violet na Star. Bakit Kaya Masaya ako Noon Tuwing Nalalagyan ako ng Star? Dahil, Pinapakita nun na Ako'y isang batang Matalino :) Sa School Naming yun may Kubo na Puro Laruan! Ang saya. Ang Dami kong Kalaro! Yung mga Ibang Kalaro ko, Hindi ko na Maalala. Marahil Nag Iba na ang Mga Pag mumukha nila. Kaunti lang ang naalala ko sa Day Care. Pero Hindi ko Makakalimutan yung Araw ng Bakuna! AYAW ko na INJECTION! Ang Naalala ko lang na Araw na yun, Ang Ingay sa Room. Takbuhan ang mga Classmates ko Yung Isang Kasama kong Tumatakbo, Naalala ko pa. Ngayon Nasa Iisang School kami (High School ) pero hindi ko Siya Ka Klase. Pero Pagkatapos ng Habulan Portion Naka Bakuna din lang ako. Pagkatapos Nun, Naalala ko Nasa Swing kami ni Mama Umiiyak ako! HAHA.. Yung Teacher ko nun, May Mahabang Stick na Pamalo. Takot kami Nung Magsalita kasi Sisipitin kami ng Mahabang Stick. Yun ang Panakot Teacher namin saming mga Makukulit na Bata. Isa Pang Naalala ko,Sila Kuya at Pinsan ko, Inaasar nila ako ng Apelyido ng Teacher ko, PRIETOng BANGUS! Yun ang Inaasar nila Saakin. Grabe ako Maasar nun! Grabe din mang Asar sila Kuya at pinsan ko! Waddaheck. Ngayon Yung Teacher ko ng Day Care, Nakikita ko pa. Naalala ko pa. Ngumiti pa siya saakin. Ngumingiti pa ako sakanya :)


KINDER GARTEN:

Teacher: Ma'am badua


Kaunti lang talaga ang naalala ko dito. Ah! Meron, First day of School. Magkatabi kami ng Friend ko, Si Janine (kapitbahay namin) Magkasunod kami ng Upuan. Ayun. Ang pagkakalam ko, Ang Kinder at Day Care ay Pare Parehas lang ang Ginagawa. Kaya Medyo hindi ko na naalala ang Kinder Life, Ang teacher ko. Medyo hindi ko na maalala ang Mukha. Ayun pasensiya Ma'am! (Ayus naalala ko na si ma'am! April 23, 2013)

GRADE ONE:
Teacher: Mrs. Balangue

Section B. Ang Seat Mate ko? Lalaki si Dexter. Na Classmate ko nung Third Year at Second Year high school? Tama ba? HEHE. Seat Mate ko siya. Ka Cheat mate Pala. OO. kapag may Ginagawa kaming Seat Work. Aba, Kung Saan siya Pupunta. Doon ako. Kasi Komokopya ako Sakanya. Sad To Say. Hindi ako Nainfluensiyahan ng Pagkokopya. Natutunan ko Ata sa Sarili ko! Ewan ko ba. HAHA. Nasa Harapan ako Nun. Third Row, Or Fourth Row ako nun. Aba, Grade 1 Palang may kamalasan na akong Dinala! Si Claudene, Classmate ko Nasa Likod ko siya. May Bago siyang Head Band. Hiniram ko nung Hiniram ko NAPUTOL! OMG! Sabi ni Felomina: Hala ka. Kabibili lang iyan ng Papa niya Kahapon!. Nalaman ng Mama ko. Kasi Sinumbong ng Classmate na Kapitbahay ko na si Jimreel. Nakasakay pa naman kami ni Mama nun sa Scooter, Nalaman ni Mama. Kinabukasan, ABA pinalitan ni Mama yung Head Band, Pero hindi na Tinanggap ni Claudene, Ngayon si Claudene ay Nasa iisang School kami. nung 1st Year Classmate ko siya :) Naalala ko pa si Janene, Nakatae sa School. alam mo kung Sino ang Nag ___ Yung Classmate naming pinakamatanda! Natatawa ako ngayon! Pero Alam niyo ngayon si Janene. Hindi na siya nag Aaral. Si Diana. Kapitbahay namin. Sinulatan niya noon Uniform ko Ang dami Bolpen pa naman! Ako pinang sulat ko sakanya?LAPIS! WALEY! Talo ako! Lagi kami nun Nag aaway! Haha. Tapos May Classmate pa ako nun Na hindi na makalad dahil sa mga Sugat sa Paa. Si Barbie! Ngayon Nasa Iisang School kami at Nakakalad naman siya! Naalala ko pa nun, Teacher namin Nanganak! Wala ang Section B. For How many Weeks. kaya ayun. Section C ako! Panandalian lang kasi nanganak si Ma'am! Nakikita ko pa si Ma'am may Anak kasi siya na Ka Batch ko! kaya kapag Card day sa School namin(HS) Nakikita ko pa siya :) Sabi pa niya! Hala si Ladylyn! Ang laki na! Si Madam kasi ay Maliit. Sa Grade 1 Diyan ako natutung magbasa!:))


GRADE TWO:
Teacher: Mrs. Ruiz

Naalala ko.... mga Seat Mate ko si Leonard,Jimreel, At may isa pang Girl na nalimutan ko na. Sorry. Mga Lalaki lang Naalala ko ha! HAHA. First Day of School. Ang Bag ko. Si Pooh! na May Gulong, Nakailang Araw din. Pero pinatanggal ko yung Gulong hanggan nag sawa na ako. Ibang Bag na ang Gamit ko. Naalala ko, Binabasa ng Classmate ko yung Kwento ata ng IBONG ADARNA. Tagal na ng Kwentong ito. Kapag naglilinis kami Pumupunta ang Mga Classmate ko sa Silong ng Room namin. Kasi yung Room/Building ng mga Grade 2 is Luma and parang panahon pa ng Hapon. Sinasabi pa nila noon na yung Silong ng Room namin ay Libingan ng mga Patay na Hapones nun at may Lagusan pa daw doon. Tapos, yung mga Classmates ko, Sumisilong doon yung room namin nun yung Floor is Tabla, Tapos Sisilip ka doon makikita mo na yung Silong. Kapag naglilinis kami Pumuunta ang mga Classmate ko dun Tapos kumukuha sila ng Ting Ting Mag tutusok sila Kaya ata nauso nun ang Pang boboso! HAHA. Nung wala kaming ginagawa, may nakita akong Laruan ng Classmate ko. Naiingit ako. Bumili din ako. yung parang Counter park ng Lego, Pero May Sunda Sundalo tapos may tao. Tapos may mga Building Bubuuin mo. HAHA. INGGITERA! Nag Dro Drawing pa ako nun ng ">M<" Yung Symbol ni Majimbo! HAHA. Tagal na din ng Anime na ito! Naalala ko pa si Claire, Nilalagyan niya ng Kandila yung Libro yung may Drawing tapos Nilalagayan namin ng Papel Magbabakat sa Kabilang Papel! Yung amg Laruan namin dati, Tapos si Felomina! Pauso! Yung Candy na Siga Sigarilyo! Tapos yung Karton nun may Powers daw! Ewan ko ba Kung sino nagpauso nun! HAHA. Nawewerdohan ako sa Larong namin yun! HANGGANG NGAYON!


Marami pang Alalala kaso nalimutan ko na! Minsan ko nalang nakikita si Ma'am Ruiz! Haha. Malapit lang bahay nila saamin.


GRADE THREE:
Teacher: Mrs. Sonia Benigno

Enrollment... Sa Paghahangad na Makatapak sa Room ng mga Geniuses, (Section A)Nilipat ako ng Nanay ko sa Section A. Naasar ako. SHEYT. Wala akong Ka Close at lahat ay Hindi ko kakilala. Nung Umpisa na ng Lesson, MATH. Grr. nasa Hulian ako ng Chair. sa Gilid katabi ko? KURAKOT! Pinagsasamantalahan ako! Sabi ko sakanya, Uy Hindi ko alam yung Math Turuan mo ng ako! Ang Sabi Niya: Bigyan mo Muna ako ng Piso. hanggang sa umabot ng Tres, Kuwatro, Lima! Grr. Ang tanga ko! Pero ni Minsan di niya ako Tinuruan! GRR! Kaya SOBRANG INEESH KO! Tapos may Biglang Dumating na teacher. (adviser ng Section A) pinalilipat ako. Sabi niya. Kailangan daw ako Lumipat ng Section Dahil Hindi daw pwede yung Grade ko! GRR! Naiinis ako, AYAW ko! Pero Bumagsak din lang ako sa Section B! Ayown SUMAYA ang ARAW KO! YIPEE! SECTION B: Mga Classmates ko? Mababait at hindi masungit! YEHE! Ka close ko sila. Then, Katabi ko? Si jasmine Agpaoa, Benjie(nakalimutan ko na Last name niya BAKLA SIYA) Yang baklang iyan! Masusuntok ko mukha niya! Kasi niyang pinamumukhang BABOY AKO AT MATABA! SHEYT! Ang lakas pang Sumuntok! Ang sakit! pero nung Grade 3 Kami, hindi pa halatang GAY SIYA! Pero nung Hayskul na kami? May Eyeliner at lipstick na sa Mukha! Minsan naman Umabsent ako, Dumaan ako sa School Building naka Scooter kami ng Nanay ko, SHEYT. nakita ako ng Classmate ko, SINUMBONG AKO NG PUTRAGIS! Ayown, kinabukasan, Pinalo ako ng Teacher naming malapit lang ang bahay dito saamin nakita ko siya last Year,medyo naawa ako sa mukha niya, Bumili kasi kami sa Tindahan nilang maliit Kasama si Remybeth, Tapos siya nagtinda e, Naglalaba pala siya, Matanda na mukha. naawa ako na naiiyak,Sabi ni remybeth Mag MADAM tayo, Nahihiya kasi Kami Ayun, Bumili kami ng RC COLA. Ayun, Medyo natagalan pa yung pagkuha ng RC :( HUHU. Naiiyak ako. Nung grade three kami, SIYA PALA ADVISER namin, pero Nag retired na siya kaya ang pumalit si madam Sonia! kaya yun, nakalimutan ko na ang Pangalan niya, kailangang tanungin sa Nanay ko! naalala ko din USO na ang Awayan sa School. Dahil lang sa BRUSH na panglinis ng Tiles! e, Pinagaagawan namin yun Ays kasimaglinis ng tiles w/Brush. yung Huling gagamit Itatago niy yun. at siya ulit ang gagamit ng Brush kinabukasan. Tapos yung Classmate ko, itinago niya sa CR, hindi pa gawa ang CR namin nun, nakataob pa yung Inodoro nung Araw, Doon niya Itinago. Dumating yung Araw na namalas yung Classmate ko, Nabasag niya yung Inidoro! MALAS! HAHA! Yung Brush na yun ang pinagmumulan ng Away noon. tapos nung mga Grade four na kami, Lumipat ng School yung Classmate ko. Dahil sa Brush na yun. Ewan ko kung bakit siya Lumipat ng School. ;( pero nung HighSchool kami, Classmate ko siya 3rd Year - 4th year. Hindi na siya yung taong Hindi Matapang. MATAPANG NA SIYANGAYONG HIGHSCHOOL na kami :)

GRADE FOUR:
Teacher: Mrs. Malalang

Section B Ulit ako.Masaya. Yung Upuan ko ay Second to the First. Ibig Sabihin nasa Second Row kami. Noong Grade four kami May Spelling Booklet kami. Araw Araw ata kaming Nag sspelling! hehe. Pero Nagpapasalamat Ako, Dahil sa Teacher namin,MAGALING NA AKONG MAG SPELLING NGAYON! HAHA. Naalala ko pa, Nag away kami ng Seatmate ko, Dahil sa LIBRO. ito ang Epekto ng Kakulangan sa LIBRO! Away ng mga Studyante! Aba! Magaling ata magpaiyak nun! Ayun! Napaiyak ko yung Seatmate ko! HAHA. Meron pa kami noong Project na AQUARIUM! Syempre, hindi ako Gumawa nun! HAHA. Ewan ko kung Buhay pa yun :) Gumagawa kami ngStory Note book. Book reports! Hanggang ngayon Buhay pa daw sabi ni Troy(kapatid ng papa ko Bunso nila) nakita daw ni Troy yung Book Report ko. Hihi! SAYA KO. AYOWN! isang araw inutusan kami ng Teacher namin na maghatid ng karne sa mga teachers, (kasi may nagpapautang na Matanda ng Isang Kilo? na karne sa para sa mga Teachers lang) inutusan kaming Ihatid ang mga Karne. ako may Dalang isang kilong karne at isang Supot ng Dugo ng baboy.Sa kamalasan, nabitawan ko ito sa Pintuan ng Library! LAGOT! Takbo Agad ako sa Building namin at Sinabing nabitawan ko yung Dugo ng baboy, tinawanan lang nila ako ;D Akala ko papagalitan ako! YIKES YIKES! kapag may parada noon kami ang Unang NakakaRinig kapag may parada.Bigla kami lalabas kapag may nadidinig kaming drum and lyres tapos Sisigaw kami kapag nasa tapat na ang Float ng reyna CANDY CANDY! Minsan nauubusan kami ng Candy! pero masaya! Uso pa yung Shoes na may Gulong! Ayus. kapag mag memeryenda kami at may pupuntahan kami gamit namin yung Shoes na may Gulong! minsan nag recess ako mag isa, Na disgrasiya ako. Natumba ako at di makatayo. buti tinutulungan ako ng Classmate ng Kuya ko! :))

GRADE FIVE:
Teacher: Mrs. Cabigas

Section B. Maraming kamalasan din ang nangyari dito! May new Classmate kami na Ka relihyon namin. Minsan nalaman namin na isa siyang Magnanakaw. yung isang Classmate ko, Nawawala yung Pera niya. Tapos nagsitinginan ng Bag. yung isang Classmate ko naman Inilabas niya yung karpeta niyang maraming Bente, nakatingin naman yung New Classmate namin sa Pera, Nakita ko yun. parang Gusto niya itong Kunin.( Yung Classmate kong nawawalan ng Pera nahanap din lang niya)Nung recess time. Labasan kaming lahat. Nung pumasok na yung Classmate ko Nawawala na yung mga Bente niya sa karpeta niya. TAMA yung hinala ko. Sinabi ko yun sa Seatmate ko. nalaman nila na siya yung suspetsiya ko. Nalaman din ng Filipino teacher namin. Lagot isa isa ni Madam hinawakan yung kamay namin. Tapos ako yung nilalamig. at tinawag yung Seatmate ko. Ikweninto ng Seatmate ko yung ikwenento ko. tapos nagsalita yung NEW CLASSMATE ko. Sige Papalitan ko nalang yung Pera Sabi niya. ANONG IBIG SABIHIN? di siya ang kumuha? O tama ako! Alam ko na magnanakaw siya kasi ninanakaw niya mga Ballpens ko. Minsan sinabi ko BALLPEN ko iyan. inihagis niya! ANG SAMA! tapos Ka relihiyonan ko sila Diba? Mangaawit kaming Parehas e, lagi akong inaaway. kapag lumiliban ako sa pagkakanta. Inaaway ako. Silang magkapatid! NAKAKAASAR! Dahil don Tumigil na ako sa pagmamang aawit. Isang kamalasan din. yung mga Friends ko. Syempre Sabihan ng Crush. Ayown. Sinabi ko yung Crush ko. Tapos inasar ko naman yung isang Classmate ko! Oh Kapag sinabi mo na Crush ko siya sasabihin ko din sa Crush mo na Crush mo siya. Natakot siguro siya. sinabi niya sa Crush ko na Crush ko siya. Ayun Simula nun hindi ko na crush yung Crush ko :( Kasi naman. nung High School na kami. tsaka ko lang nalaman na Nililigawan ng Crush ko yung Classmate ko! HAHA. Di ko naman na Crush siya e! Ayun, Yung Crush kong iyun Medyo Close kami kasi naman Yung Friend ko Girlfriend niya! OH DIBA? HAHA!

GRADE SIX:
Teacher: Mrs. Ruby

Section B ulit! Uso ang Cellphone na 3210! paramihan kami ng Score ng Snake. masaya yung Game. Medyo hindi naman ako malas. Madam namin? ok naman mabait. pero nakita ko na siya Naghighblood. grabe. lahat ng gamit niya. Ibinato saamin. mga Upuan Itinumba dahil saaming Kaguluhan! Sobrang galit! FIRST TIME YUN HA! Nagulat kami! Nung Grade 6 ako. Takot ako pumasok ng First Subject ng hapon kasi ANG BOBO ko sa Math. Minsan tinakot kami ng Sir namin mag mememories ng Multiplication of table(tama ba?) HALA. umabsent ako. pero nagmemories parin ako ng Multiplication of Table! MALAS! Ang baba pa ng Grade ko diyan! Naranasan na din naming magluto ng Tinola ! ANG SARAP! naranasan na namin mag pindang ng Tilapya! pero di ko kinain YUCK! HAHAHA! Masaya ang Grade 6! HAHA. lagi pa kaming naglalaro ng Badminton at lagi naman napupunta sa Yero ang Shuttle Cock namin :} Malass. Nung graduation namin ang kanta namin kinanta namin ang "GLOWING INSIDE" hindi naman kami naiyak. Salamat sa nagbigay ng Rosas. thanks Madam. hindi ko alam ang Pangalan niya. :) Pero SALAMAT :) Maraming Experience sa Elementary days na hindi dapat ikwento dito. Pero nanatili parin ang mga alaala na yun sa Puso ko at sa Isip ko :) SALAMAT SA MEMORIES!! sana makita ko ulit kayo at makasama. Mga Classmates ko, mga Former Teachers I LOVE YOW!