Tuesday, April 28, 2009

ANG EARTH MAY PAG ASA PA BA?

May pag asa pa ba?
Naku Sana nga!
Baka singilin na tayo
dito ni mother earth/ Father earth! (nyahahah)
Maisasalba pa ang mother nation kung Tayoy mag tutulungan niyan!
sabi ko nga sa Previous blog ko MAGTULUNGAN!


E paano kasi hindi tayo nagtutulungan!
tinutulungan ni juan ang earth pero si pedro, walang pakialaam nagtatapon parin ng plastiks! tsk! sana makiisa tau! para maisalba pa natin ang earth!


Ang rami kasing mga walang pakialam sa earth e. ini enjoy nila ang earth, pero ang earth hindi nag eenjoy sa pinagkakagawa natin! Tsk! May napanood ako sa Umagang Kay Ganda, Yong aircon ang galing ng invention, para syang 2 in 1 na ice cream ay, aircon! hahaha. aircon na thermos pa! hahaha, Yon inventor na yon may paki alam sa earth! ang galing ng invention!  para talaga sa earth yon na aircon e.


Sana, habang ini Enjoy natin ang earth sabayan natin ng Concern ang earth, Para tumagal pa ang enjoy natin sa mundong ito.


Ayos ba? Sana MAGTULUNGAN TAYO!


Created Date:
April 28, 2009
Wednesday

ALAGAAN ANG EARTH!

Haay, sirang sira na ang earth! kung pwede lang lumipat na tayo sa mars!
baka sumabog na ang earth! kaxetoy!

hmmp, kamusta aman iyon! sana itigil na ang pag gamit ng mga plastik cups! alam niyo ba na milyon milyon ang naitatapon na plastik cups at mga plastik bottles sa buong mundo! Tsk!
huwag basta basta magtatapon Tandaan ang :

TATLONG "R"

RECYCLE



REUSE



REDUCE


err, nakakalimutan ata natin iyonn e. ay naku naku!




MAGTULUNGAN!

Iyan lang naman ang hindi natin ginagawa e! sana lahat tayo mag tulungan! para ma save natin ang earth! Paano ka makipag participate para mailigtas ang earth?
madali lang naman e, sumali ka sa mga organization na related sa earth/Environment! mahalaga iyon!
paano kapag walang organization sa inyong bayan/barangay/city? Pwede rin huwag magtapon ng basura sa paligid, Huwag magsunog ng plastics, dito sa min may nagsusunog e, nagagalit nga ako kay mama ko kapag nag susunog sya! sabi ko kapag nagsusunog sya"kaya umiinit e!" sabi ko! hahaha, galit ako? nyahahha, pwede ring mag educate sila, Isa din yong paraan para mailigtas ang Mother Earth! :]


MAGTULUNGAN!
MAGTULUNGAN!
MAGTULUNGAN!


Created Date:
April 28,2009
Wednesday

Thursday, April 23, 2009

Ang emo at gangster.

  Sabi nila ang EMO ay Broken Hearted? hahahaha.. ako hindi ako naniniwala! OPINION ko to :)
kasi maraming EMO na sa mundong ito! hindi mo alam kong totoo silang EMOTIONAL!

marami akong nakikita na EMO sa mga malls, nakatambay, hindi mo alam ang ginagawa niya!
may mga emo naman na nakasuot ng black, tapos black skinny, tapos Vans. naglalakad sa malls. tapos may nakikita din akong mga poser na emo sa mall na nakatayo malapit sa elevator, may kadate, may kausap na magandang babae. hahaha.. para sakanya, hindi naman maganda para sakin  ah, marami din akong nakikitang emo, emo na gangster! hahaha.. may nakita akong friendster, emo mukha niya, emo primary niya, pero lay out nya si tupak!whaahha! anu un? gangemo!whahaha.posero! hahahah..  aun, hindi naman ako naiinis sa mga emong poser.. hahaha, natatawa lang ako, kawawa naman sila sa pag aayos ng sarili nila pero hindi parin nila maitatago ang paggiging poser nila. aun, (huwag kayo magagalit sa akin ah, baka magalit kayo OPINION ko to Kailangan kong ilabas ang nararamdaman ko)
aun.hindi ko maipaliwanag kung ano ang emo? ano nga ba ang emo? paano ang totoong emo? naglalaslas nga ba? ano? err. hindi mo na alam talaga! sabi nagmula ang emo sa america, nag mula ang emo sa music. emo music nga kung tawagin. ano ba talaga! sino nakaimpluensya sa ating pilipino! talamak ang emo dito sa pinas!hahaha. emo country?? hahahah hindi naman! hanggang nayon pinagtatawanan ko pa din ang mga emo at yong mga gangster. sabi nila masmaganda maging emo kasi hindi gastos, ayaw ko maging gangster kasi maraming bibilhin, nagmukha kang POSERO kapag ganun! masmaganda nalang huwag maging emo at gangter kasi wala lang. it depends naman sa tao! err. hahaha.aun, ang GANGTERS naman, pakalat kalat tuwing gabi dito saamin, haay, ang mga gangster nag hahanap ng away, para sila EWAN, at nag vavandalism pa sila. mga walang kwentang sinusulat sa pader, kawawa naman yong pader nananahimik, tapos kinabukasan magagalit na iyong may ari ng pader! mga nagsasayang ng pagod! masmaganda nalang nasa bahay ka nag cocomputer kaysa sa nakikipag away at nagvavandalism!~ arunaku! hayy, buhay! e, mga forengers(foreigner) lang naman ang nagimpluensya sa ating mga pilipino ang mga ganitong style ng pamumuhay. nalilimutan na natin ang pag kamakabayan  at pagkapilipino! haay. ewan ko ba. talamak nga talaga ang colonial mentality! tsk tsk..aun.... waffak siguro maraming magagalit sa akin nito, Ok lang atleast pinahayag ko ang totoong nararamdaman ko..




Created Date:
April 23, 2009
Thursday

Saturday, April 18, 2009

Earth Day

Sana lahat tayo maki JOIN sa EARTH DAY sa Miyerkules,April 22, 2009.para sa earth ito at para saatin na din ito :]

haay, sana nga masagip na ang earth, wala pa ako sa mundong ito, nagsimula na ang mga polusyon dito sa mundo, paano pa kaya kapg may anak na ako, ayos pa kaya ang earth, pwede pa kaya matirhan itong mundong ito sa 2020?

haay, baka lumipat na tayo sa mars nito kung hindi masagip ang ating mundo :]
sana nga hindi, sana pangalagaan natin ang earth kasi, ang mundong ito ay napaka swerte sa lahat ng pitong mundong ginawa ni lord :] ang EARTH lang kasi ang capable sa mga living things and non-living things, yong ibang planets, hindi matirhan kasi may nakakalasong chemicals like methane, nitrogen etc. at yong ibang planets naman ay masyadong malamig at mainit. pero ang earth, napakapalad!

kaya, dapat natin ito pangalagaan, ito lang kasi ang pwedeng matirhan na mundo :]
sana nga may isa pang mundo na pwedeng matirhan, kagaya ng earth, para lilipat nalang ako don :]

ayun, nong bata ako, or elementary ako, sabi ng ate ko, malaki na ang butas ng ozone layer, kasing laki daw ng europe,NOON un, at ayon kakabasa ko lang sa website na wunderground.com noong September 10, 2000 malaki na ng butas sa antartica halos masmalaki na ang butas kaysa sa antartica e, tignan nyo yong picture sa taas. (siguro resulta iyon ng pag gamit ng mga apoy, dahil malamig doon )[ may nabasa din akong magzine yong mga ice berg at mga glacier ay nawawasak at natutunaw na dahil sa init ng mundo ]pero ngayon hindi ko lang alam kung gaano na kalaki ang butas ng ozone layer ngayong 2009. haay.

aun, nararamdaman ko na ang init ng mundo, resulta un ng climate change, dahil sa green house effect, ang Green house effect ay resulta ng pagrami ng gumagamit ng mga makabagong teknolohiya, kagaya ng mga motor, pag gamit ng spray na may chloroflourocarbons( CFC's),at isa na din ang pag bubuga ng usok ng mga faktorya. ang mga usok kasi ay hindi na nakakalabas sa mundo kaya ang resulta nito ay pag init ng mundo, kaya dapat bawasan natin ang pag gamit sa mga makabagong teknolohiya.

nakakalungkot lang isipin, tayo ang napag palang tumira dito, pero tayo naman ang sumisira.

kaya marami na ding mga environmental organization ang nag lipa na para mapangalagaan ang ating mundo kagaya ng:

GREEN PEACE
Intergovernmental panel on climate change (IPCC)
United Nations Environment Programme(UNEP)
at marami pang iba :]

at mayroon din dito sa pilipinas, para bumalik ulit ang kagandahan ng ILOG PASIG :]

Text GIVE(space)ILOG and send to 2366 for globe, Tm.
                                        231 for smart, tnt

for more info's manood lang kayo sa ABS CBN.
or just visit this website :http://greenphils.com/2009/03/01/kapit-bisig-para-sa-ilog-pasig/

sana nga mapangalaan natin EARTH!


Join EARTH DAY!


kahirapan

KAHIRAPAN

ang kahirapan dapat wakasan,

Bawat tatlong segundo may namamatay, dahil sa kahirapan.
ang mga kabataan ay nagiging mangmang dahil sa kahirapang ito.
ang tunay na susi para hindi maging mang mang ay mag aral nang mag aral.
ang kamang mangan ay isang dahilan ng kahirapan.
sabi ng aking teacher dapat daw tayo mag aral para tayo ay hindi maging mang mang at maging mahirap.
dahil kung ikaw ay magiging mangmang o walang pinag aralan, ikaw ay mahihirapang makahanap ng trabaho.
at kung ikaw ay mangmang, ikaw ay maaapi.
ang mga ibang taong  walang pinag aralan, namumulot lang sila ng mga basura,sa mga mababahong tapunan ng mga basura (kagaya ng payatas) at ibebenta nila sa junk shop.
maraming nagtratrabaho ng ganoon dahil wala silang napag aralan. walang tatanggap sakanila dahil wala sila natapos na kurso o hindi nakatapos kahit elementarya lang.

BASURERO/BASURERA

Maraming mga basurero/ basurera sa maynila. ang mga ibang basurero/basurera ay walang natapos na kurso/ hindi natapos sa pag aaral. kaya napipilitan silang magtrabaho sa pagiging basurero/basurera, dahil doon ang mga anak nila ay napipilitan na ding mag trabaho sa pagiging basurero/basurera. hindi na nila iniisip ang pag aaral. dahil wala sila pag pa aral
sa kanilang mga anak. o di kaya naman nag aaral nga sila pero lagi naman lumiliban sa klase dahil sa kanilang trabaho. marami na ngayong kabataan na nagtratrabaho, ang kanilang mga trabaho ay pag lalako ng sampagita, paglalako ng sigarilyo na tinatawag na takatak boys, at maraming pang iba, o di kaya naman napipilitan silang magbenta ng mga pinagbabawal na gamot para lang makakain sila ng tatlong beses sa isang araw, ngunit sa bawat subo nila sa kutsarang iyon, parang kinakain nila ang kanilang buhay dahil sa masama galing ang kanilang kinakain.
ngunit, kung hindi nila iyon gagawin, hindi sila makakain ng tatlong beses sa isang araw.
pero, maari naman sila magtrabaho sa legal na gawain, aun.. LEGAL

Legal. paano sila makakatrabaho ng legal kung ayaw sila tanggapin ng mga kompanyang legal ang mga trabaho, kaya napipilitan silang magtrabaho sa mga masasamang trabaho.

kaya MAHALAGA ANG PAG AARAL para sa atin. dahil pag dating ng araw mapapakinabangan natin ang ating natapos na kurso, para tayo ay magkaroon ng legal na trabaho. huwag nating sabihin na computer techician lang natapos ko.. huwag mong sabihin LANG dahil sa kursong iyon mayroon ka ng HINAHARAP : ]


Tanging Langit Lang Ang May Kasagutan?

Tanging Langit Lang Ang May Kasagutan !
 TAMA!
nakuha ko itong linyang ito sa kanta ng callalily, ang title ng song na ito ay "Tunay Na Ligaya"
iyan na yong favorate na shout out ko! Mapa Friendster,Facebook,Multiply,Myspace.
e, paano kasi totoo naman yong sinasabi ng SENTENCE na iyan.
nasa LANGIT lang ang KASAGUTAN kasi nandoon ang diyos. ang diyos lang ang may alam sa lahat. ewan ko ba bakit gustong gusto ko iyang linya. siguro dahil fan na din ako ng callalily:]


aun,balik tayo sa linyang iyon,

Sabi sa kantang "tunay na ligaya" ng callalily
 OPINION KO: may nagmamahalan hindi sila pinahihintulutan na magmahalan, pero gusto parin nila ang isa't isa kahit na nilalayo sila sa isa't isa. kailan daw nila matatagpuan ang tadhana? tanging langit lang ang may kasagutan :] yong nagmamahalan na iyon, hinahadlangan sila na magmahalan pero kahit na ganoon, mahal na mahal parin nila ang isa't isa. iyon yong pag kakaintindi ko sa song :]



haay, ang damiing ganyan sa world na nagmamahalan.hinahadlangan sila ng magulang nila. hmmmp. sad :'( may ganun naman kasi ganoon na yong kultura nila, kagaya ng kulturang muslim may nakalaan nang mag aasawa na sakanila. ininterview ko noon iyong classmate kong muslim , sabi niya may asawa na daw siya. mayroon naman akong napanood sa RATED K, bata pa lang sila mag asawa na sila.
mayron naman ibang muslim na, may mahal silang iba ngunit ayaw ng magulang dahil may nakalaan nang asawa :(
hmmp, ayaw ko nang ganun, yong magulang ang mamimili ng asawa mo.
may kwento teacher namin, about yong kultura ng mga pilipino noong unang panahon.
yong mga mayayaman/maharlika nagkakasundo ang mga magulang, pinagkakasundo ang mga anak, kunwari

muslim chuva: nagkaroon ng unang anak na babae, 15y/o
muslim ewan: may anak na unang anak nalalaki, 30,y/o

-----> OO, kahit malaki ang agwat nila ng taon , sila ang mag aasawa, ang kasunduan kasi kung ang unang anak mo ay babae, at yong unang anak ng kaibigan mo ay lalaki, iyon ang  aasawain ng anak mo. kahit na  ayaw mo sa lalaki or babae. iyon pa din ang aasawain mo.. SUCKS!
ganoon daw ang kultura noong unang panahon.buti nalang wala na ang kaugaliang iyon . haay, swerte natin :))




Friday, April 17, 2009

ACHILLES

ACHILLES

Hindi ko alam kung bakit ganito ang feelings ko.
nung nakita kita napasigaw ako.
hindi ko alam kapag kumakanta ka, parang hinaharana mo ako!
kapag sumasayaw ka tumatalon ang puso ko.
Kapag nagsasalita ka ngumingiti ako.
Nalove at first sight ako!
Ang saya ko! Nakita kita!
Tumalon,Tumawa,Kinilig,Ngumiti ako nung nakita kita!
na love at first sight ako!


Ladylyn's Note: Eto yong song na ginawa ko para sa crush ko,hmmp, crush sya ng bayan :]
he's from manila(manilenyo)nag perform kasi sila, stage play,yong title ng play ay "TROY AVENUE"  haay, lahat kaming studyante napakilig nya, pero ngayon, nakalimutan ko na siya. hahaha. sana next year, kapag fourth year na kami, sana mag play ulit sila :]

KABATAANG NALULULONG SA DROGA may pag asa pa ba?

Kabataang nalululong sa droga may pag asa pa ba?

Marami na ang nalululong na kabataan sa droga, pagala gala sila sa kalye ng kamaynilaan,
hindi lamang sa kamaynilaan mayron na din sa mga probinsya.

Noong pumunta kami sa maynila, nakasakay kami sa Viron bus, dumaan kami sa isang parke,marami ang mga kabataan na nakahawak ng plastik na may laman na kulay orange,(palakad lakad sila dun,na para bang wala sa isip) kung i short cut natin ay RUGBY, at tawagin natin ang mga kabataan na nakahawak ng plastik na may kulay orange na RUGBY BOYS, hindi lamang rugby boys ang mayroon doon may roon ding RUGBY GIRLS.


ANONG GINAGAWA NG MAGULANG NILA?

Nandon din sila, sama sama sila sa pag linghot ng rugby. yon ibang magulang naman, walang pakialam sa anak, yong ibang magulang nasa bars,kung tawagin natin ay mga POK POK
hinayaan na nila ang anak nila, dahil din iyon sa kahirapan. wala silang maipakain sa kanilang anak kaya napipilitang mag trabaho sa mga mapapanganib na lugar kagaya ng maynila, napapabayaan na din ang mga kabataan, kaya napapasama sila sa mga gangs,fraternities,mga barkadang BI (bad influence).karamihan ng mga kabataan na nalululong sa mga droga ay mahihirap na kabataan. bakit ganoon ang mundo, mahirap na nga sila, anak pa sila ng anak, ngunit ang mga mayayaman napag pala ng maraming pera ngunit wala silang anak, o iisa lang anak nila.
ngunit ang mga mahihirap, minsan lang nagkakasakit ng malubha.
ngunit ang mga mayayaman nagkakasakit ng malubha.
magaling talaga ang diyos, ginawa niyang pantay pantay ang mundo sa iba't ibang paraan.


Oppppsss..napapalayo na tayo sa subject..

haay, bakit anong ginagawa ng mga NGO's at mga organisasyon na related sa mga kabataan?
bakit hindi nila ito gawan ng paraan para ang mga kabataan ay hindi malululong sa droga.
sabi sa isang show sa isang TV, dapat magkaroon ng mga sports ang mga kabataan, o mga dapat salihan ang mga kabataan na nalalayo sa droga, para hindi sila gumamit ng droga, pero bakit, kahit sumali sila ng mga sports, o mga mapapalibangan, e, sa lahat ba ng oras ginagawa nila iyon?

dito saamin, matagal nang tulog ang mga organisasyon :]
matagal na silang hindi nagkakaroon ng paligsahan, lagi nalang mga Pageants.
hmmp.. ang mga kabataan dito sa amin, pumunta na sa mga BARS , sa mga lungga ng mga pok pok. kapag pumupunta kami sa plaza dito sa amin, nakikita ko ang mga ka batch ko sa school, may katabing magandang babae, naninigarilyo, sa madilim na bahagi ng plaza.

sana nga maalis na ang kabataan sa ganitong uri ng kasamaan.
sana magising na ang mga organisayong related sa kabataan..


may pag asa pa ang mga kabataan kung magtutulungan tayo sa pag sugpo sa mga ganitong uri ng kasamaan :]

Makabayan nga ba?

MAY NABASA AKONG BLOG ABOUT SA MGA PILIPINONG HINDI MAKABAYAN..
Sabi ng blogger na iyon, na hindi na makabayan ang mga pilipino . TOTOO NGA BA YON?
papayag ba kayo?
Nasabi ng blogger na hindi na makabayan ang mga pilipino dahil marami syang nakikita na tao na tuwing tumutugtug na ang lupang hinirang, hindi nag lalagay ng kamay sa dib dib. di ba kawalan iyon ng pagalang sa bayang pilipinas.

" 3 STARS AND A SUN "

Uso iyan sa mga kabataan? sino nga ba ang nag pa uso niyan? FRANCIS MAGALONA iyan ang buo niyang pangalan, ngunit sa kasamaang palad siya ay binawian ng buhay dahil sa sakit niyang "lukemia". marami ang nalungkot at napaluha nang sya ay nawala sa mundong ito. ngunit nananatili pa rin ang kanyang alaala sa mga kabataan, at mga nag iidolo sakanya.

Bakit saka lang nag labasan ang mga damit,mga accesories na related sa three stars and one sun nung nawala na si Francis M.

Ang Pag susuot ba ng accesories na THREE STARS AND A SUN ay pagalang nga ba bansang pilipinas?
 
 "MAAARI"
Maaring tawaging pag galang sa bansang pilipinas ang  pag susuot ng mga accesories na related sa bansang pilipinas o related sa philippine flag.

PERO...

hindi pa iyon sapat, sabi nga ng blogger na iyon, marami ang hindi nag lalagay ng kamay sa dibdib tuwing tu tugtug ang LUPANG HINIRANG, e paano naka suot ka ng THREE STARS AND A  SUN ngunit hindi ka naman naglalagay ng kamay sa dibdib kapag tutugtug ang lupang hinirang?
Isa iyong kawalan ng galang sa pilipinas at sa philippine flag.

habang tumatagal, ang mga pilipino ay nawalan na ng galang sa kanilang sariling bayan.

Habang tumatagal mahigit na tayo sa hayop at sa malansang isda kung hindi natin gagalangin ang ating sariling atin. (ang salitang ito ay related sa tula ni gat. jose rizal)



THREE STAR AND A SUN --- Tatlong bituin at Isang araw