Thursday, June 25, 2009

Kwento about sa Feeling ng graduating :)

eto. sige na nga mag kwekwento na ako, total, friday naman ngayon, mayang 2:00 pm pa ang klase namin.

mag kwekwento ako ng feelings ko, about sa pagiging graduating ko :) or fourth year High school ko.

Ang feelings ko? Masaya, Malungkot. Maraming Regrets, at Excited :)

Bakit Masaya? Kasi nalampasan ko yong mga hamon sa school, yong mga nakakalitong formulas sa algebra's, mga nakaka nosebleed na english ng mga engish teacher ko, ang chapter 2- 10 na summary sa araling Panlipunan :) at ang nakaka excited na noli me tangere ni Gat. Jose P. rizal At ang bilis ng panahon e, Parang Kahapon lang nag fill up kami ng bio data, at nagsagot kami sa entrance exam :) at mamaya, kukunin na namin ang diploma sa harap ng maraming tao :) Kaya masaya!

Bakit Malungkot? Kasi mamimiss ko yong mga trippings namin ng mga classmates ko, IYAKAN to the MAX to! Mamimiss ko yong lugaw at sopas na kinakain namin tuwing recess time at yong siomai!huhuhuhu! amtalap! Mamimiss ko yong mga jokes ng teachers namin, another chapter 'to na naman ng life :) Malulungkot ako kasi minsan nalang kami mag kikita ng mga classmates ko :( hanggang ngayun na year , halos everyday kami nag sasama :) grabe. IYAK ako :((

Bakit maraming Regrets?
Kasi marami akong mga hindi ko nagawa nung last last year ko sa High school. Gaya sa pag sali ng COCC (ROTC kapag ibang School) hehehe,  at marami akong kapalpakan na ginawa, katangahan ;) at marami pang ibang regrets! huhuhu


Bakit excited?
Excited ako sa new chapter ng life ko :) College life na! ewan kung anong course ang kukunin ko?  sabi ng mama ko, Nursing , sabi ng papa ko, Informatin Technology or ICT sabi ng lola ko nursing din kaya naguguluhan akow :) hehehe, pero like ko yong nursing compatible daw ako, mahilig daw ako magbasa at magsulat kaya bagay daw ang nursing saakin :) hehehe, Bahala na si BATMAN :) hahahaha
 

so ayun. parang MARCH na dito ah, hehehe, JUNE PALANG girl ! hehehe. aun, sana matupad ang pangarap ko! maging successful sa kukunin kung couse :)

Ano kaya ang magandang kurso? Nursing? HRM? Information Communication Tech? AB Communication? ma carry ko kaya ang mga ganyang course ano ba iyan !

Gusto ko malaman ang pangalan ng crush ko :)