Sunday, May 17, 2009

Kakaibang Panaginip :)



Kakaibang Panaginip # 1

TITLE: Mamatay Na Ako!

I have many Unexplained Dreams, Hindi naman sa unexplained Dreams yong kakaibang dreams lang! isa sa mga ikwekwento kong dreams ko, yong mamatay daw ako, nakahanda na daw yong kabaong ko at yong paglilibingan ko buhay pa ako 'nun tinignan pa daw namin yong kabaong ko alam niyo kung anong color ng kabaong ko? Brown, alam niyo yong lumang style ng kabaong, tapos alam niyo kung saan ako ililibing? sa plaza dito sa lugar namin! grabe na 'to! tapos mayroon na daw akong lapida pero hindi naman eksaktong ganun ang style , naka sulat lang yong name ko na balitad lyn lang daw ang nakaukit! Creepy!
tapos pagkatapos naming tinignan yong pag lilibingan saa kin sumakay daw kami sa jeep namin e, wala naman kaming jeep e, ang driver ng jeep ay ang papa ko e, hindi naman siya driver, driver lang sya ng tricycle weee.. at nong nakasakay na kami, pupunta daw kami mag ma mall ee, kakaibang Panaginip talaga yon! dun na nagtatapos yong Creepy Dreams ko :) hahahahaha! Sabi ng kaklase ko, kapag nanaginip daw ako ng ganun about patay, hahaba daw ang buhay ko! Sana nga! :))

Kakaibang Panaginip # 2

TITLE: Ikakasal Na ako!

Ikakasal na daw ako, kilala ko yong kakasalan ko, pero malabaong mangyari 'yon kasi matanda na siya para saakin! tapos umiiyak daw ako 'nong naglalakad na kami papunta sa harap ng kapilya, nagsisisi daw ako na nagpakasal ako sakanya, umiiyak daw ako, tapos pagdating namin sa harap ng kapilya namin (im not Catholic) may nagbigay daw ng bente pesos sakin , ewan ko kung para san 'yon! tapos biglang naputol, ayon. hanggang dun lang yong dream kong ikakasal ako!

Kakaibang Panaginip # 3

TITLE: Hinahabol ako ng manananggal!

Nasa isang bahay daw kami tapos andoon daw kami sa taas niya nang biglang may manananggal na pinapaligiran kami, tapos may damit daw akong hawak, iihinahagis ko sa mananaggal para umalis sila, tapos tumakbo daw kami sa hagdanan naglagay daw ako ng mga hotdogs sa hagdanan! ah? Anong conection 'nun? (BTW: favorate ko yong hotdogs nung elementary ako! hanggang ngayon!) err, tapos putol nanaman! grabe! ayon dun na nagtatapos ang manananggal na panaginip kow!

Kakaibang Panaginip # 4

TITLE: Lumalaki ang tiyan nila!

Nong elementary kami, naglilinis kami sa isang bahay(Bahay ng kapitbahay namin!), after namin maglinis bibigyan kami ng pera! yong mga kalaro dun kami naglalaro at naglilinis para mayroon kaming pera at pang meryenda! ayon, bigla kung napanaginipan ang bahay na yon! hinihila daw ako ng bahay na iyon at hindi ako makaalis, tapos biglang anjan na daw si papa ko, binibigay niya ang kamay nya nong nahawakan ko, biglang lumaki ang tyan niya, tapos nagising ako, nakita ko sa tabi ko si mama ko, hinawakan ko sya lumaki ang tyan niya! hindi ako makahinga! nababangongot ako! tapos nawala daw si mama ko, nakita ko sa tapat ko may babaeng nakaputi! hindi na ako makahinga!  tapos sa isang aparador namin nakita ko yong katulong na bading ng kapitbahay namin, long hair sya at kulot!! kamukha niya! hindi na talaga ako makahinga! at yon , naputol ang panaginip,pagkagising ko , inakyat ko si kuya ko (double deck yong higaan namin ) umiiyak ako nun, tapos naliligo na ako sa pawis! hala nagulat ako nakita ko mama ko sa tabi ko pero wala naman siya nung nagising ako! umiiyak talaga ako nun! grabe! hindi ko talaga makakalimutan ang mga panaginip na ganito! nabangongot pala ako sa palagay ko! :)

Kakaibang Panaginip # 5

TITLE: Pumunta si Miggy Chavez sa bahay namin!

hahaha, OO dalawang beses ko ng napaginipan ito, pumunta si miggy dito sa bahay, ka jamming daw niya ang kuya ko! hahaha, iwan, tapos nung pangalawang panaginip ko,  umiinom daw siya :) hahaha, ano ba iyan! Hahaha, ang saya ko, napaginipan ko sya ng dalawang beses!

Kakaibang Panaginip # 6

TITLE: Concert ng chicosci!

Hahaha, ang saya, BIG CONCERT daw 'to ng koskee! grabe, tugtugan si miggy kumaway daw saakin! akala ko totoo ito e, pero dreams lang pala ito :) ang saya ko naka attend ako ng concert ng koskee kahit sa panaginip lang!

Kakaibang Panaginip # 7

TITLE: Sa Likod ng Bahay namin, Lumabas ang mga Zombies!

Grabe Isa din itong creepy dream! lumabas daw ang mga ZOMBIES sa likod ng bahay namin! tapos iniiwasan ko daw sila! hehehe, Ito na ata yong nag suffer ako, nung hindi ko nalaro ang plants and zombies! hahaha!



Created Date:
 May 18, 2009

Monday

2 comments:

  1. hey i have many unexplained dreams too.
    sometimes it frightened me. tsk tsk

    i lorve the pic. ung dreams. :)

    ReplyDelete
  2. hahaha, Yeah, I dont know bakit tayo nagkakaroon ng ganyang bad dreams :)

    ReplyDelete