Tuesday, April 23, 2013

Imported from Multiply

Dahil hindi ko naman namaintain ang blog na ito, at para magkalaman, dito ko nilagay yung mga old post ko from multiply. my 1st ever blog (ata). Since, inalis na ng multiply yung pagkakataon na makapag blog ang mga users niya, at kapag di ko na import yung mga post ko dun, madedelete ito. kaya sayang naman yung memories. dito ko nalang ilalagay yung mga post kong walang kwenta at napakaisip bata. kasi high school palang ako post ko na yung mga yun,  beware, uso din ang wrong grammar at nonsense post sa mga post kong luma. hahahahahaha.

okay lez do diz.

Wednesday, October 17, 2012

Desiccant Silica Gel. Alam ko na kung anong paki mo sa sapatos!

Dahil may critical thinking ako (charaught!), maraming tanong ang nagsisiliparan sa isip ko, akin itong hinuli at ilalagay ko sa blog ko. isa sa mga tanong na lumilipad sa isip ko ay itong Desiccant Silica Gel na laging nakikita sa mga bagong sapatos. Naisip ko, ano nga ba itong maliit na bagay na ito at bakit nasa loob ito ng box ng sapatos…..

Ano nga ba ang Desiccant Silica Gel?
Silica gel is a granular, vitreous, porous form of silicon dioxide made synthetically from sodium silicate. Silica gel is tough and hard; it is more solid than common household gels like gelatin or agar. (copy paste sa wiki)
Ano ang function nito?
Ayun sa nabasa ko, ginagamit ito para maiwasang ang moist ng bagay na dapat hindi mabasa, gaya nalang ng sapatos, kapag mababasa ang sapatos, masisira ito kaya siguro merong desiccant silica gel ang sapatos. Yung silica gel, madaling maka absorb ng moist / water, kaya ginagamit siyang desiccant o taga absorb ng moist. AKALA KO MAY KINALAMAN ITO SA WEIRD NA AMOY SA SAPATOS at AKALA KO PAMPABANGO SIYA NG SAPATOS. yun pala hindi. naah?
Bakit may nakalagay na “Do not eat & Throw away”?
Hindi naman daw ito toxic, non flammable, at non reactive sabi ni wiki, pero nagrereact ito sa mga acids, kaya kapag na ingest mo ito magkakaroon ng digestive irritation, diba ang tiyan natin may pH level na 1-4 it means acidic diba sabi ko nga nagrereact ang silica gel sa acids kaya it will case digestive irritation, maari din daw magkaroon ng irritation ng respiratory, sa eyes at skin. kaya ito merong nakasulat sa cover niya na: “Do not eat and Throw away”
Kapag may nakita kayong ganyan, itapon agad kasi maaring makasama ito, maslalo na sa mga bata, ang mga bata kasi mahilig pumulot ng kung ano tapos isusubo. dibuh? kaya be careful!


Desiccant Silica Gel, Ano nga bang pakialam mo sa sapatos?

Hanggang ngayon, hindi ko malaman kung anong function ng maliit na bagay na ito sa bagong sapatos na binili natin. Hanggang ngayon malaking question mark ito sa akin. Bakit siya tinatawag na Gel eh solid like kisses naman siya? hindi naman siya sticky like gel, hindi naman siya gel like talaga. tapos may nakalagay na "do not eat" ano bang content ng bagay na 'to at pinapasakit nito ang ulo ko sa kakaisip. bakit ka nasa loob ng box ng sapatos? wala naman atang function kaya tinatapon ko nalang sa basurahan, kung sakaling pampabango ka ng sapatos hindi kita itatapon. kung malalaman ko ang function mo ngayong gabi hindi ko itatapon yan. hahahaha. Teka, bakit sabi niya "Throw away" ? bakit? kung wala naman palang pakialam sa sapatos ito, bakit pa nila ilalagay kung itatapon rin lang, nagsasayang lang sila ng mineral sa mundong ito o baka naman  nagpapabango ito ng sapatos? SILICA? baka deLICAdo ka ha?


(Posted on: October 17, 2012 @ 7:00 PM)


Tuesday, October 16, 2012

About the Pseudo swordless kunoichi.

Bagong blog. bagong paghihirap na naman, ang ibig sabihin na naman prerequisite na mag post ako ng mga nagsisiliparan sa isip ko kahit nonsense, sabi ko nga sa description ko "trying to blog some nonsense." well, walang magagawa ang mga makakabasa nito kung nonsense ang post ko. Oo nga pala, Diba kapag bago pala ang isang blog kailangan mag papakilala ang may ari ng blog.


About sa Blogger?

Ako nga pala si Lady Lyn, 18 years old, Isa akong taong palakaibigan, masasabi nating isa akong prangkang tao sa mga kaibigan ko, kung naprangka man kita, nasabihan ng tanga, pwes totoo ako sa'yo, hindi ako plastik, totoo akong tao sa mga kaibigan ko. Para sa akin, masaya ako maging kaibigan, maingay, madaldal, kung ano ano ang sinasabi. minsan mahiyain maslalo na kapag nasa bagong paligid at sa mga bagong tao na nakikilala ko. hilig ko din kumain, kumain, minsan masipag din ako mag aral pero laging tinatamad, mahilig akong mag blog, mahilig magkwento, madrama din ang buhay ko, minsan maraming problema, dinadaan sa iyak minsan dinadaan sa tawa. Nag aaral din pala sa kolehiyo, Nursing ang kinukuha ko, sa kasalukuyan akong nasa ikatlong level at isang taong kalahati nalang magtatapos na ako at sana makatapos nga ako. masaya naman ako sa kursong pinili ko na sana nga maging regsitered nurse ako. hehehehehe. Kitakits nalang sa hospital!


About sa Username ko?

Hindi naman ako ninja, hanggang ngayon pangarap ko pa din maging ninja. siguro resulta ito ng pagbabasa ko ng komiks at naruto shipuuden.


Ano ang Kunoichi?

Ang ibig sabihin ng Kunoichi ay babaeng ninja. dahil sa babae ako, hahahaha. Pseudo, kasi hindi naman talaga ako ninja, Pseudo means False. Bow.

Hindi ko alam kung papaano tapusin ang post na ito. Salamat at nakarating ka dito sa puntong ito. Welcome sa bagong blog ko.



(Posted on: October 17, 2012 @ 12:02  PM)

Thursday, May 19, 2011

Masaya ang college. promise!

Noong nakaraang taon (2010) ako nagsimula mamuhay bilang isang kolehiyala. Excited ako, kinakabahan, puno ng expectations. masaya, butterflies in stomach,
first day of school. first subject, first teacher ko, si miss adap. masaya. Nursing kurso ko, first na naging friend ko sa college si aubrey, nakilala ko na siya enrollment pala, because of my mother! nakita ko din siya sa hall way bago mag simula ang klase, yung second na naging friend namin si marie. mukha siya masungit pero ang bait. siya yung unang nakiusap saamin. then habang tumatagal lumalakin ang barkada. yung nasa likod naming mga classmate, unti unti naming nagiging kaibigan yung iba hindi masiya close. pero habang paglipas ng panahon, nagiging friends din lang kayo. may mga classmate talaga sa college na di mo gusto, ayaw ko makatabi, ayaw mo sakanya, pero in the end of semester, marerealize mo na mabait pala siya at hindi masungit. yung mga feeling ko masungit saakin unti unti kong naging close at nakaka sama na pagkain. dahil don sa ginawa namin sa aming major, TFN under ma’am almoete, magbibigay ka ng 1/8 na yellow paper, then ilalagay mo doon yung kinakainisan mo, or di mo gustong classmate mo and give the reason, sa paraan nun, malalaman mo kung may ayaw sayo, kung may naiinis sayo, Yung sinulat ko si patrick, siya, di ko muna siya naging close close, pero inamin ko sakanya na ako yung nagsulat na masungit siya saakin at di kami close. sa simula, medyo awkward, pero effective yung ginawa ng CI namin, naging mag close kami at hindi ko na siya kinakaisan. Nalaman din namin lahat yung ugali namin ganito ganun. meron pa yung the boat is sinking, all of us in in danger, and you have a 2 life buoy or Life saver, kanino mo ibibigay yung live bouy at bakit? at give one person bakit ayaw mo siya isave. Dito mo malalaman kong may nagmamahal sayo o kinakainisan ka ng classmates mo. Masaya. meron isa! si aubrey! haaha. gantihan kami siya din isasave ko eh. hehe. Simula nun, halos lahat kami naging close na. lahat yan nangyari sa 1st sem.
2nd sem, syempre kami kami pa din, unti unti humihirap ang mga subjects. return demo return demo saaming subject. mahirap pero nakakaenjoy, Ewan ko ba kung bakit ito kinuha kong kurso, eh sa daming nurses sa mundo, makikipag siksikan pa ako. yan ang reason ng madami bakit ayaw nila sa nursing. number 1 reason, madami ng nurses, 2. mahirap daw. pero ang masasabi ko, oo mahirap pero kong gusto mo talaga maging nurse, kahit nahihirapan ka, after the day, after ng 1st sem at 2nd sem ng 1st year, maiisip mo, mahal ko na ang nursing. ang sagot ko naman sa mga nagsasabing marami na ang nurses, oo marami. pero hindi yun hadlang sa pangarap ko, pangarap ko maging nurse kaya yun ang kinuha ko.
Sa college, andiyan na lahat ng klase ng tao, maingay, makulit, prangka, iyakin, magaling, mathematicians, bobo sa math, comedians at musicians.
Sa college, andiyan ang mga instructor na, parang di mo malapitan, parang mahirap kausapin, titignan mo, bakla to? tomboy to? sosyal, magaling mag turo, cool magturo, may ala kim atienza, may pa charming, mabait, the best magbigay ng grade, at nanmbabagsak.
Sa college, walang pakialaman, kung gusto mo idropped ang algebra, idropped mo. kung gusto mo ibagsak ang physics, ibagsak mo, hindi ka pakikialamanan ng instructor mo. pwede kang matulog, kumain habang nakikinig (depende sa instrcto) may mga ganung instructor, pero may mga instructor na may pakialam naman. meron
Sa college, magugulat ka nalang line of 7 grade mo. hindi mo aakalain, line of 7? nag aaral naman ako! di mo akalain, magugulat ka nalang. minsan pa nga dropped ka eh, pumapasok ka naman! Joke. sa college, para saakin di na mahalaga kung makaka line of 7 ka man, basta pasado, ang mahalaga nakapasa ka, pero para sa mnga studyanteng magagaling, dapat nila makuha ang line 8 o 9. big deal yun.
Sa college, mahalaga ang pera, tsk, kung wala kang pera, tae di ka makakain. swerte ka nalang kung mag papautang classmates mo, minsan kasi ako, naiiwan ko pera ko, sa katangahan ko. hehe.
Ang payo ko lang sa mga mag co college ngayong taon na ito.BE YOUR SELF, EXPECT THE UNEXPECTED. promise magugulat ka minsan sa college eh, marami kang expectations pero minsan di nangyayari yung mga binabalak mo. maraming bagay sa college na makakapagbigay kasiyahan sayo.
Ang payo ko sayo mahal kong kaibigan, mamili ka ng gusto mong kurso. IKAW ang mamili, huwag ang nanay mo. Kung pinipilit nilang GANITO, GANYAN. kung maari IYAKAN mo sila, Sundin mo ang gusto mo, kasi may mga classmates ko na ayaw ang kurso naming nursing pero, sa end of semester umaalis sila at lumilipat ng kurso o kaya naman tumitigil. Sabi ng MYX, “YOUR CHOICE, YOUR MUSIC” Isa lang ibig sabihin niyan, Kung ano ang gusto mo, yun ang sundin mo! :) Yeah!
Good luck sa mga mag co college ngayong school year!

Wednesday, December 22, 2010

My College Experience? DUDE, ITS GOOD!

Nice to be back!!Yohoooo? Buhay pa ba ang mga tao dito? Hindi na ata buhay ang mga bloggers, multiplyers dito ah. mga Businesswoman/man nalang ata ang buhay ditoo.. nakakamiss naman mag blog! Ngayon lang ulit ako mag bloblog ngayon Christmas break! :P 

Kumusta naman ang College Experience ko?
  ---- Okay naman ang College, naka survive ako sa First sem, Naka survive ako sa College Algebra, nakamit ko ang Ginintuang 75 sa aking subject na Algebra. gusto niyo ng ebidensiya ito oh:
Proud pa ako? Oo naman, Pinaghirapan ko 'yan, BE PROUD sa iyong pinag hirapan ng ilang Months, Sakit sa Ulo kaya yang College Algebra! ;)) Noon first sem.. parang ang hirap maka survive, haay. ngayon second sem, parang ang bilis ng pangyayari. ang bilis ng exam, ilang discussion lang exam na ang next? parang ha!? Exam na, parang hindi na ako nag rerevirew mabuti. ano ba ito? hindi naman sa EASY. para iba lang hindi kagaya ng 1st sem na kinakabahan kami kasi malapit na exam. kinakabahan kami kasi bukas na exam, HINDI eh, iba yung iba pa nga eh, bisperas ng exam. nag iinternet pa, nag GGM pa. HAHAHAHA! Siguro noong first sem, bago palang kami sa Word na "PRELIM" kaya siguro nag cracramming kami. ganuuun.. haha hehe haha hehe, Hindi na rin ako kinakabahan kapag exam na, nagrereview na ako, sa harap ng TV hindi na sa loob ng kwarto..hahaha! adik. Sana nga laging ganun, yung hindi kinakabahan. pero sana mabago yung ugaling, nag rereview sa harap ng computer at TV..haha! I hope this Second Sem, Maka Survive ako. madami ata kaming major subjects ngayon! FUUU. pero hindi ko pa nararamdaman ang "NERVOUSITY" LOL. (ano nervousity??) haha! Siguro mararamdaman ko yun kapag Final exam na! I hope Makapasa ulit ako, Walang Palakol at Wala isa saamin maiwan sa 1st year :) AJA!

Thursday, May 6, 2010

High School Life oh ang High School Life ay MASAYA!

MY HIGH SCHOOL LIFE STORY...

Sabi nila ang High School Life ay ang HAPPIEST MOMENT sa lahat. ang masasabi ko. Totoo yun. Dahil dito ka makakaranas ng Kakaibang pangyayari at ang ibang Pangyayari  na ito ay sa high School mo lang mararanasan. Sa unang antas ko palang sa High School ay MASAYA. bagong Mukha. May Luma pero nasa ibang Section. Yung Iba naman Classmate ko nung first year pero nasa ibang Section siya nung Elementary kami. Ang Unang Araw ko sa high School (first year)ay Medyo SAD. kasi sa Section ko ay HINDI AKO KUNTENTO. kumbaga AYAW ko sa Section kasi Sinasabi nilang LAST SECTION ang aming Section. Sinabi ko sa aking Mama na gusto ko lumipat dahil ang isang kaibigan ko ay Lumipat sa Ibang Section kaya Ginaya ko siya. Ayown. nilipat nga ako ni mama sa masmataas na Section MASAYA naman ako. kasi yung mga Seatmate ko ay kilala ko. Ang daming nagulat kasi Lumipat nalang ako Bigla. NAHIHIYA na ako sa mga Classmate ko. hindi ko na alam ang kanilang REACTION. Magagalit o maiinis, O EWAN ko. Naalala ko pa yung umalis ako. ARALIN namin noon, at biglang Dumating ang Mama ko para ilipat ako sa Ibang Section. I - Rosal to I - Camia. tinanggap naman ako ng I - Camia. MASAYA NA AKO :) naalala ko pa nung Oras na Lumipat ako e. MATHEMATICS ang Subject. na yung teacher namin. KINAKATAKUTAN ko talaga kasi parang Masungit si Ma'am at MAHIRAP yung Subject niya!  narealized ko nalang nung nasa 4th year na ako na hindi pala siya gaanong masungit ganun lang pala talaga siya :) Yung Adviser namin? Mabait. Biyuda na si Ma'am Ikwenento ni mama ko. pinatay daw ang kanyang Asawa. high School daw sila mama noon. AT WALA PA AKO! :( Kawawa naman. kami ang LAST AND LAST na ADVIDORY CLASS ni madam rebodos kasi Mag reretire na siya. :( pero Salamat LUMIPAT ako. kasi masaya naman akong Maging I - Camia. MASAYA naman ako sa unang Section ko e. kaso WALA AKONG KAKILALA. yung kakilala ko nga e LALAKI di ko ka close. May Kakilala akong Babae. pero di koClose. so AYUN. back to ma'am rebodos - nung Malapit na ang BAKASYON, Signing of Clearance Pumunta kami ng Ka klase ko sa room. Naglilinis pala sila Ma'am ng room namin. at INAALIS na niya lahat ng gamit niya. yung mga APARADOR niya binibigay niya na sa mga Other Science teacher. pinamigay niya na yung Instrument niya sa pag eexperiments sa ibang Science Teacher. Syempre Tumulong kami. naglinis kami. kinuha ko yung mga projects ng mga Studyante niya yung mga STAMPS. yes STAMPS. Collector kasi ako ng STAMPS dati. :) ayun. di ko malilimutan yung mga Kasama ko nun KRISTINE, SALLY, sino pa ba? Wala na ako maalala. SORRY. may Binanggit pa akong Salita kay kristine na Hindi ko talaga nalimutan. nagkamali kasi ako ng PRONOUNCIATION : yung WORD na yun ay VOLUNTEER. ang nasabi ko ay BALENTER! Haha Hindi ko talaga malimutan yun! :) Kaya lang Siguro ako nagpalit ng Section nung First Year ay naninibago ako. hindi ako makapag isa. At Hindi ako independent. hindi kasi ako sanay na Walang kasama kagaya nung elementary nakakamili ka ng Section pero pagdating ko ng High School hindi pala pwede mamili ng Section :) kaya natuto akong mag isa at isipin na kaya kung MAG ISA LANG kaya nagbago na ako nung 2nd year :)

Nung Second Year ako. II - Mahogany, I'm Contented in my Section. yung katabi ko? si lady anne. medyo Close kami pero di close sa pangungupya. kapag nangupya siya, hindi niya pinapahalata sa teacher. I mean, yung Ayaw niya pahuli(sinoo ba namang AYAW pahuli sa Teacher na nangungupya) Sabi niya HUWAG KANG TUMINGIN SAAKIN. HAHA! baka daw mahalata ni Ma'am Na nangungupyahan kami! HAHA! Ayun. Wala naman akong Maikwekwento sa Second Year.Teacher namin? maliit na babae. SMALL But TERRIBLE! haha MABAIT din siya. Nung Second year kami, WALA PA SIYANG ASAWA nung Third year na kami MERON na. Nung fourth year kami MERON nang ANAK! haha. madami din akong friends. Si marygrace, Noemi,janelle,Cherry Anne, Daisy, Ruby, at madami pa. Naalala ko LAF TRIP kami nila mary grace kasi nung Lumipat kami ng Room English namin yun e nasa gilid kami tinatawanan namin yung kumakain ng manga PARA DAW siyang KAMBING. Sakit ng tiyan ko dun! haha! Syempre di mawawala ang LOVE TEAM. Sorry wala akong maikwekwento diyan wala naman akong KA LOVE TEAM anino ko lang ka love team ko! haha! Si Cherry Anne friend ko. Nung second year kami namatay yung Papa niya. :( yung ka row ko naman si Maricris pumunta kami sa Grocery para bumili pero alam mo kung anong nangyari sakanya.. nahulugan siya ng Bote sa paa. SAKIT nun eh yung tanga naman na Bagger Man ata ng Grocery e LALAGYAN DAW NG ALCOHOL ang SUGAT NI MARICRIS! tumakbo si maricris SINO BA NAMAN ANG MAY GUSTO LAGYAN NG RUBBING ALCOHOL SA MALALIM NA SUGAT! Ayun Umuwing Duguan si maricris kinabukasan nalaman nalang namin na.... MALALIM pala ang Sugat ni maricris.. MABUTI naman at hindi siya nagpalagay ng Alcohol sa Sugat kundi PATAY mga SKIN CELLS ni Maricris! 4 SHUR! Sa Araw na din yun Sumugod ata ang Mudrang ni mari sa grocery na yun I DUNNO. may suspetsa si mari kung sino yun nakahulog ng bote. HINDI NA NAMIN NAPANSIN kung SINO yun. ANG BILIS NG PANGYAYARI. Ayun Pinatawag yung babae. pero nag deny siya. 

Nung Third Year ako. III - Garnet. Adviser: Alex Lopez. LAF TRIP din kami sa teacher na iyan kasi Masaya siyang magturo kahit nagagalit na siya e parang nagpapatawa parin. at Kait serious siya ay NAKAKATAWA pa rin. Chemistry ang itinuturo niya. kaya yata NAGING FAVORITE SUBJECT ko ang Subject niya kasi lagi kaming LAF TRIP pero kapag totoong nagalit na iyan NAMBABATO iyan ng FIGURINE. kaya yata madaming Figurines sa teacher's Desk ay gamit PAMBATO sa mga Studyanteng maingay! (buti hindi ako maingay) yung mga Ibang kwento na ay MALASWA kaya huwag na ikwento (JOKE JOKE) Siguro kung walang Alex e, Walang nag dedecorate ng Stage walang kasama si Sir Aquino. kapag may program sa School siya ATA ang nagdedecorate. Nung kami ang In charged sa MONDAY PROGRAM kami ata ang Bongga kasi mag Style ang STAGE may BANDA may HOST may mga Dancers ASTIG e! may confetti pa! oh diba ayus siya. 
nung third year kami MASAYA naman. Linis dito LINIS doon. kasi naman SHUKLA ang aming Adviser kaya kapag may nakitang kalat ay ipapalinis. Alam mo kung anong tawag sa Section namin noon? GARNET DREAM ACADEMY. kasi yung garnet ata ay mga STUDYANTE na may magaling Kumanta, may magaling Sumayaw may magaling mag gitara( huwag mo na akong isali sa mga iyan kasi pang audience lang ako. Nahilo lang ata si sir kaya kinuha ako) Ang Chemistry ay ang SUBJECT na kailangan ng 2 Notebook or 3 notebooks kasi MADAMING SUSULATIN. nakakatamad pero ako DI TAMAD. hobbies ko ang WRITING kaya ata COMPLETE ko ang Notebook ko nung Submission ng mga Notebooks! (YIKES YIKES YIKES! PARTEY PIPOL!) May munting garden kami na ARAW ARAW NILILINISAN. WALANG ARAW na di nililinisan EXCEPT lang kapag umuulan! HAHA! Salamat kay haring ulan!  Masaya din. HAHA Favorite ko talaga ang CHEMISTRY! pati na din ang Subject ni Ma'am Laroco! ang FILIPINO III! Syempre andyan yung favorite topic ko! Ang NOLI ME TANGERE! hahaha! MY FAVORITE! huwag mo akong maliitin kasi nakamemorize naman ako ng ELFILIBUSTERISMO! YEHEY! haha! Ang hirap mag memorize pero masaya feeling ko nasa ibang Lugar ako at ESPANYOL AKO! haha! Nakakamiss talaga ang year na yun :)

Nung FOURTH YEAR naman ako IV- Bronze. Adviser: Miss Eugenia Tablada. Fourth year, Ito na ang Huling Taon naming Bilang isang High School student. MASAYA na may HALONG LUNKOT. Kapag iisa iisahin ko pa ang mga nangyari safourth year life ko at namin tiyak mahaba ito. kaya paiiksihin ko nalang. Masay ang fourth year namin. halos lahat ng classmate ko ay kakilala ko at nakkita ko. hindi kagaya ng 1st year at second year na kumakapa pa ng mga classmates. alam ko na lahat ang ugali ng mga fourth year classmates ko. lahat sila mabuti, Masaya. hindi naman maiiwasan ang may classmate na may masama ang ugali. part yun ngugali ng tao. Maraming sakit ng ulo ang idinulot ng mga classmates ko sa mga Teachers namin [naks hindi ko sinali sarili ko, ang pagkakalam ko. Wala naman akong ginawang sakit sa ulo eh :))))) ] pero kapag iisipin mo yung sakit na ulo na yun ngayon ito ay isang alalaalang Maganda at masama. maganda kasi naisip mo nagawa mo yung Sakit na ulo na yun na ikinagalit ng Adviser mo! haha! masama kasi ayun nga. pinasakit mo ulo ng adviser mo! haha. kapag iniisip ko yung mga moments nung fourth year highschool ako... napapangiti ako at natatawa. Hindi naman kami nagka problema sa mga teacher namin lahat naman sila ay mababait kaso nga lang kapag may nagawa kang Sakit ng ulo. tiyak sasakit ang tainga mo sa sermonn. Mabait ang mga teachers namin, specially ang aming Adviser! ang bait ng Adviser namin. laging nag aadvise, nagkwekwento ng kaniyang experience sakanyang pagtuturo. walang asawa si madam.tinatanong ko kung may balak siyang mag AMPON ng anak. sabi niya. ayaw niya. baka daw maka ampon pa daw siya ng masamang tao. kaya masmaganda nalang wala daw siyang anak. :) Lahat ng teachers namin may nakakatawang Moments na kasama namin sila. HAHA! Simula sa SCIENCE(physics) MAPEH,MATH,FILIPINO,ARALIN,VALUES,ENGLISH at TLE. lahat ng teachers namin mababait at masayang magturo. minsan.. hindi din! haha. Ang hulling year namin sa HighSchool ay napakasaya. Walang papalit sa highschool. parang minsan nalulungkot ako. parang gusto kong ibalik yung time nafourth year high school kami. gusto ko makita ko ulit ang mga classmates ko naka upo sa kanilang upuan. gusto kong makita ulit yung mga guro kong nagtuturo at nagpapa tawa at nagagalit. Nakakamiss sila. gusto ko bumalik sa Fourth year High school :(