Friday, April 17, 2009

KABATAANG NALULULONG SA DROGA may pag asa pa ba?

Kabataang nalululong sa droga may pag asa pa ba?

Marami na ang nalululong na kabataan sa droga, pagala gala sila sa kalye ng kamaynilaan,
hindi lamang sa kamaynilaan mayron na din sa mga probinsya.

Noong pumunta kami sa maynila, nakasakay kami sa Viron bus, dumaan kami sa isang parke,marami ang mga kabataan na nakahawak ng plastik na may laman na kulay orange,(palakad lakad sila dun,na para bang wala sa isip) kung i short cut natin ay RUGBY, at tawagin natin ang mga kabataan na nakahawak ng plastik na may kulay orange na RUGBY BOYS, hindi lamang rugby boys ang mayroon doon may roon ding RUGBY GIRLS.


ANONG GINAGAWA NG MAGULANG NILA?

Nandon din sila, sama sama sila sa pag linghot ng rugby. yon ibang magulang naman, walang pakialam sa anak, yong ibang magulang nasa bars,kung tawagin natin ay mga POK POK
hinayaan na nila ang anak nila, dahil din iyon sa kahirapan. wala silang maipakain sa kanilang anak kaya napipilitang mag trabaho sa mga mapapanganib na lugar kagaya ng maynila, napapabayaan na din ang mga kabataan, kaya napapasama sila sa mga gangs,fraternities,mga barkadang BI (bad influence).karamihan ng mga kabataan na nalululong sa mga droga ay mahihirap na kabataan. bakit ganoon ang mundo, mahirap na nga sila, anak pa sila ng anak, ngunit ang mga mayayaman napag pala ng maraming pera ngunit wala silang anak, o iisa lang anak nila.
ngunit ang mga mahihirap, minsan lang nagkakasakit ng malubha.
ngunit ang mga mayayaman nagkakasakit ng malubha.
magaling talaga ang diyos, ginawa niyang pantay pantay ang mundo sa iba't ibang paraan.


Oppppsss..napapalayo na tayo sa subject..

haay, bakit anong ginagawa ng mga NGO's at mga organisasyon na related sa mga kabataan?
bakit hindi nila ito gawan ng paraan para ang mga kabataan ay hindi malululong sa droga.
sabi sa isang show sa isang TV, dapat magkaroon ng mga sports ang mga kabataan, o mga dapat salihan ang mga kabataan na nalalayo sa droga, para hindi sila gumamit ng droga, pero bakit, kahit sumali sila ng mga sports, o mga mapapalibangan, e, sa lahat ba ng oras ginagawa nila iyon?

dito saamin, matagal nang tulog ang mga organisasyon :]
matagal na silang hindi nagkakaroon ng paligsahan, lagi nalang mga Pageants.
hmmp.. ang mga kabataan dito sa amin, pumunta na sa mga BARS , sa mga lungga ng mga pok pok. kapag pumupunta kami sa plaza dito sa amin, nakikita ko ang mga ka batch ko sa school, may katabing magandang babae, naninigarilyo, sa madilim na bahagi ng plaza.

sana nga maalis na ang kabataan sa ganitong uri ng kasamaan.
sana magising na ang mga organisayong related sa kabataan..


may pag asa pa ang mga kabataan kung magtutulungan tayo sa pag sugpo sa mga ganitong uri ng kasamaan :]

No comments:

Post a Comment